Halo-halo huwag kang gagalaw...

Kanina
sa klase namin, tinuloy namin ang panonood ng mga huling bahagi ng No Reservations ni Anthony Bourdain. Katulad sa unang bahagi,
siyempre may kainan pa rin sa Cebu naman sila tumutok. Sa bahaging ito, kasama
na ni Anthony si Augusto ‘yung sumulat at nagpadala ng video sa kanya na ibinida ang Pilipinas. Kumain sila ng lechon,
sinigang, pritong pagkain at iba pang ulam na sobrang nakakagutom. Subalit,
hindi ang pagkain ang tumawag sa aking pansin (siyempre naman haha!), ‘yung
sinabi ni Augusto na nakakaramdam siya ng inggit sa mga nakakahalubilo niya
doon sa Estados Unidos kasi pakiramdam niya hindi kumpleto ‘yung pagkatao niya
na tila ba may kulang at ‘yun yung hindi niya alam kung ano bang lahi niya kasi
raw nasa gitna siya ng pagiging Amerikano at Pilipino eh. Ang hirap nga naman
ng posisyon niya sa gitna- parang hindi ka Amerikano, hindi ka rin Pilipino,
ano ka hindi ba? Mararamdaman mo na hindi ka kasali sa isang lahi, masakit nga
naman iyon. Sinabi pa niya na gusto niya kasi maramdaman na konektado siya sa
pagiging Pilipino eh at talagang naghahangad siyang maramdaman ang pakiramdam
ng bilang isang Pilipino. Kaya nga natuwa sa kanya si Anthony eh kasi nakikita
ni Anthony ‘yung pagiging masigasig ni Augusto na matuklasan at hanapin ‘yung
isang bahagi ng pagkatao niya na nawawala. Masakit nga sa pakiramdam kasi ‘yung
maging iba ka sa lahi mo. Hindi naman kasi parang laro ‘yung pagiging bahagi ng
isang lahi eh, hindi ka pwedeng saling-pusa lang. Noong tinanong ni Anthony si
Augusto kung sino ang mga Pilipino sinabi nila na ‘yung mga Pilipino ay may
halo-halong kultura dahil nga nasakop at naimpluwensiyahan tayo ng maraming
lahi. Marahil iyon ang pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino. ‘Yung
pagkakakilanlan nga natin ay hybrid
ng mga lahing sumakop sa atin noon. Ayos lang kung ganoon ang pagkakakilanlan
natin pero sana dumating ‘yung panahon na makabuo at makalikha tayo ng purong ‘Pinoy
na pagkakakilanlan. Subalit gaya nga ng sabi ng propesor namin kanina ay ultimo
tayong mga Pilipino rin ay halo-halo na rin ang lahi o nalahian ng dugong
banyaga. Sa aking palagay, isang salik din ng pagiging diverse ng pagkakakilanlan
nating mga Pilipino ay dahil madali nating tinanggap at iniangkop sa ating
sistema at nakasanayan ‘yung mga inihandog sa atin ng mga dayuhan. Datapwat,
pangarap ko na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan tayong mga Pilipino o kung
hindi naman ay dapat ipagbunyi natin ang pagiging halo-halo at iba-iba ng
pagkakakilanlan natin.
Pilipino ka naman eh, sa puso’t isip at gawa, ayos na iyon para ipagmalaki mong Pinoy ka at nararapat ng dahilan ‘yun para mahalin ang Pilipinas.
Mga Sanggunian:
Contreras, A. (2013). CULPOLI: Lecture Note.[PowerPoint Slides]. Retrieved from https://docs.google.com/file/d/0B1SygfYrMeNjYWRicGR5ZkdESGc/edit?usp=sharing
Contreras,
A. (2011). POLTHEO Lecture
Note: Identity Politics.[PowerPoint Slides]
Bourdain,
A. (Narrator). (2010). No Reservations: Philippines [Online
video]. United States: Zero Point Zero Production. Retrieved February 19, 2013,
from http://www.youtube.com/watch?v=hFpkYvkKYjU; http://www.youtube.com/watch?v=URXSsNEQZJM ; http://www.youtube.com/watch?v=M7rj5Ibp-CI
(n.d.).
Retrieved February 26, 2013, from http://fc09.deviantart.net/fs30/f/2008/154/c/f/Yumyum____Halo_Halo_Plz_by_Wasudo.gif (n.d.). Retrieved February 26, 2013, from http://www.emofaces.com/en/buddy-icons/p/philippines-flag-waving-buddy-icon-animated.gif
Retrieved February 26,
2013, from http://smileys.on-my-web.com/repository/Winks/b-wink.gif
Retrieved February 26,
2013, from http://www.sherv.net/cm/emo/dancing/super-happy-dance-smiley-emoticon.gif
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento