‘Nakanino ang kapangyarihan?

on Martes, Enero 15, 2013
Nasa akin! Ako ang “power cosmic”! Teka---


Kanina sa klase pinag-usapan namin ang tungkol sa kapangyarihan. Habang pinaguusapan namin ito agad pumasok sa isipan ko ang linyang I’ve got the power.  Ang kapangyarihan o power  ay ang kakayahang gumawa ng isang bagay. Ang kapangyarihan/ lakas ay isang kakayahan ng entidad, katauhan, o nilalang upang matabanan o kontrolin ang kapaligirang nakapaligid sa kanya, kabilang ang ugali o asal ng iba pang mga entidad, katauhan, o nilalang (Wikipedia.org, 2012). Mula rito mahihinuha na ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay pagkakaroon din ng kakayahang mag-impluwensiya sa mga bagay-bagay.

Lahat ng tao ay may kapangyarihan. Pero kapag titignan parang may ibang taong walang kapangyarihan ano? Ito ay dahil may mga taong magaling magpatupad o maipalabas ng kapangyarihang tinatamasa nila.  Napag-usapan din sa klase kanina na ang mga social variables tulad ng:-born into (ascribed)- social class, ethnicity-socialized into (acquired) – religion, political beliefs ay nakakaapekto at siyang nagiging pamantayan ng pagkakaroon ng kapangyarihan o lakas. Kumbaga kapag nasa mataas na antas ka ng lipunan tapos dominante pa ang lahi na kinabibilangan ng isang tao, nangangahulugan ito na mas malakas at makapangyarihan ang taong iyon. 

Ang mga tao ay may natural sense of personal survival dahil lahat gustong mabuhay; wala namang gustong mamatay agad eh, kaya iyong lakas o kapangyarihang tinatamasa ang ginagamit na sandata. Sinasabi na ang mga relasyong may kaakibat na kapangyarihan ay dapat interactive at reciprocal. Subalit, kadalasan hindi ganoon dahil may sadyang taong mayroong higit na kapangyarihan. Dito na pumapasok ‘yung sagupaan ng kapangyarihan; may mga natatalo, may mga nananalo. Siyempre, lamang ka kapag higit ang kapangyarihan mo di ba? Subalit, dapat nating isa-isip na ang kapangyarihan ay hindi lamang nakabatay sa kung ano ang reputasyon o posisyon mo sa lipunan. Sige halimbawa ikaw nga ang nakaupong lider pero naman kapag dating sa pagdedesisyon at pagplaplano, may sinusunod lang ibang tao, hindi pa rin ikaw ‘yung makapangyarihan kasi may sinusunod ka eh. Kadalasan iyang reputasyon ay maskara lamang. Masasabi mo lamang na tunay ka o higit kang makapangyarihan kung kanino man kapag ikaw ang may huling salita o di kaya naman nasa iyo ang huling halakhak at lahat ng sinabi mo ay napapatupad mo at napapasunod mo ‘yung iba




Natutunan ko rin sa klase kanina na may uri pala ng pamamahagi ng kapangyarihan: ang elitist kung saan ang kapangyarihan ay nakatipon lamang sa kakaunting  mayayamang grupo; at ang pluralist kung saan ang kapangyarihan ay kalat at hindi lamang nakatipon sa isang partikular na grupo. Nalaman ko rin ang iba’t ibang sukat ng kapangyarihan: ‘yung una tungkol sa kakayahang maka-impluwensiya; ‘yung ikalawa ay yung pag-impluwensiya sa mismong proseso tulad ng pagbabago ng social, political values, institutional practices at iba pa, dito makikita ang tinatawag na deception o abuso sa kapangyarihan; at ‘yung ikatlo naman ay pag-impluwensiya mismo sa kamalayan o ulirat ng tao, ito yung higit sa lahat ng sukat sapagkat ito yung mismong pag-impluwensiya ng isang tao sa kung paano mag-isip ‘yung isa pang tao na hindi niya namamalayang napapasunod na siya, dito walang pwersahan bagamat mayroong pahintulot at pagsang-ayon. Napag-usapan din namin sa klase ang ukol sa Access and Control Profiling at Postionality Assessment.

Inilahad ko lamang sa itaas ang mga nangyari sa klase kanina. Sa bahaging ito, ilalathala ko ang tugon ko ukol sa huling dalawang paksang tinalakay. 

Access and Control Profiling

Resource Access and Control Profile


Ang access to resources  ay ang kakayahang gumamit ng pinagkukunan/ resource samantala ang control of resources ay ang kakayahang kontrolin ang pinagkukunan kunwari ang pagdedesisyon kung saan dapat gamitin ang pinagkukunan. Ang pagkakaroon ng access to resources ay hindi nangangahulugang may kontrol; datapwat ang may control of resources ay parehong may kontrol at access sa mga pinagkukunan.

Ang aking Resource Access and Control Profile ay naglalahad na sa aming pamamahay higit na may control of resources ang aking mga magulang sapagkat sila naman mismo ang bumili ng mga ito. Gayunpaman kahit papaano ay may control of resources pa rin ako tulad ng sa laptop, computer, food/grocery at iba pa. Masasabi kong ako at ang aking kapatid ay nabibiyayaan lamang ng access to resources. Sa aking palagay, normal lang na ang mga magulang talaga ang may kontrol ng lahat ng bagay lalo na sa pamamahay; tingin ko rin kahit papaano hindi naman kami (ako at aking kapatid) nililimitahan ng aming magulang sa paggamit ng resources.

Decision-Making Access and Control Profile

Ang access to decision-making  ay ang kakayahang lumahok sa paggawa ng mga desisyon ukol sa isang partikular na isyu; samantala ang control of decision-making  ay ang kakayahang magkaroon ng final authority sa pagdedesisyon lalo na kung magkakaroo ng problema; isa pa ito rin ang kakayahang huwga magsama ng mga miyembro na maaaring lumahok sa pagdedesisyon.


Ang aking Decision-Making Access and Profile ay naglalahad na sa aming pamamahay lahat kami ay may kakayahang lumahok sa pagdedesisyon at mag-kontrol sa desisyon. Ako, bilang anak, binibigyan kasi ako ng kalayaan ng magulang ko na magdesisyon ng naayon sa nais ko basta ba para sa ikabubuti ng kapakanan ko. Sa palagay ko, maayos rin na maluwag ang magulang sa mga anak lalo na sa pagdedesisyon kasi natututo ‘yung bata na maging independent ‘di ba? Kasi malalaman n’ung bata na bawat desisyong gagawin niya ay may kaakibat na responsibilidad at kahihinatnan.

 Benefits and Burdens Access and Control Profile

Ang access to and control of benefits  ay tumutukoy  sa pagtamasa ng mga positibong karapatan na natatanggap ng isang tao. Ang access to and control of burdens ay tumutukoy sa pagtamasa ng mga negatibong karapatan na natatanggap ng isang tao; ito rin ay ang kakayahang maglimita ng mga benepisyo sa mga miyembro o di kaya magpasa ng burdens .

Ang aking Benefits and Burden Access and Control Profile ay naglalahad na sa aming pamamahay ang aking magulang ang may higit na kontrol sa mga benepisyong aming natatanggap; kaming magkapatid ay may access lamang sa mga ito. Samantala, pagdating sa burdens, higit na natatamasa iyon ng aking magulang; ang tanging burden pa laman na napapasa nila sa akin at sa kapatid ko ay ang paggawa sa mga gawaing-bahay. Tingin ko kasi dahil hindi pa naman ako kumikita kaya wala rin akong pwede ipang-bayad sa bills. Haha. Patas nga lang sa bahay e, may access na ako sa mga benepisyo tapos isa pa lang ‘yung burden. 

Positionality Assessment



Itong proportionality assessment ay isang paraan upang matukoy ang pagbuo ng pagkakakilanlan ng isang tao. Maari ka maging subject kung nagamit mo nang mahusay ang potensyal na kapangyarihan mo at hindi ka nakokontrol ng iba; maari ka rin maging object kung di mo nagamit ang potensyal na kapangyarihan mo at nakokontrol ka ng iba.

Base sa resulta ng aking proportionality assessment, mas marami ang yes kumpara sa no. Dahil dito masasabi kong ako mismo ang nagkokontrol sa aking sarili. 


Sa ngayon naman ang aking naisipang i-blog ay ang kauna-unahang lecture na napag-aralan at napag-usapan namin. 

Lahat tayo may kapangyarihan taglay. Dapat alam natin kung paano ito magagamit; 'di dapat natin itong abusuhin; 'di dapat ito gamitin sa paggawa nang masasama; datapwat, gamitin ito sa pagpapalago ng ating mga sarili. Isa pa, kung nais mong makilala ang sarili mo, huwag mong hahayang ma-kontrol ka ng ibang tao; sarili mo 'yan eh ikaw dapat ang boss ng sarili mo 'di ba? Para saan pa't nilikha ka bilang kakaibang nilalang.




Nais kong tapusin ang blog entry na ito gamit ang ilang linya mula sa tulang Invictus ni Henley:
I am the master of my fate:

I am the captain of my soul






Mga Sanggunian:
Contreras, A. (2012). CULPOLI: Lecture Note 0 Identity Politics. [PowerPoint Slides]. Retrieved from https://docs.google.com/file/d/0B1SygfYrMeNjWnVLZE8xdG5xYlk/edit
Kapangyarihan. (2011, September 17). In WIKIPEDIA: Ang Malayang Ensiklopedia. Retrieved January 15, 2013, from http://tl.wikipedia.org/wiki/Kapangyarihan
(2004). [Image of photograph]. Retrieved January 15, 2013, from http://bateri.deviantart.com/art/Power-13327728
(2010). [Video]. Retrieved January 15, 2013, from http://varpusta.deviantart.com/art/Tug-of-war-D-184224430
(n.d.). [Image of photograph]. Retrieved January 15, 2013, from http://www.najidah.org.au/images/sample-image.jpg


0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento