Isang bagsakan

on Martes, Marso 26, 2013

3-in-1… ano naiisip mo sa tuwing mababasa o maririnig mo ito? Kape hindi ba? Yung mga instant coffee na mabibili mo sa murang halaga. 3-in-1 siya dahil may halo na itong creamer, asukal at iba pang elemento. Bakit nga ba ito ang ginamit ko bilang panimula? Una dahil sa loob ng halos 3 araw ay nag-ulat kami sa aming klase. At ikalawa, tulad ng kape, mga normal at karaniwang produkto rin sa pang-araw-araw ang karamihan sa iniulat ng mga kaklase ko.

Simula noong Marso 21, 2013 hanggang Abril 4, 2013, nagkaroon kami ng reporting ukol sa mga cultural product na aming napili. Ang mga produktong pinakita ng aking mga kaklase ay ang mga sumusunod:

Marso 21
Lucky Me Jjampong
comic book on Zsa-Zsa Zathurna (Si Ada ang bakla)
Modern Princesses
Katy Perry
Wilie Revillame

Marso 26


Culture and Politics of Sex
Middle Characters: Saito Hagime in Samurai X and Grayfox in Metal Gear
Perception of Beauty in the Philippines
Ballet 

April 2

X-Men
Sirena (Gloc 9)
Doraemon
Lakambini Bottom
Rowdy Ronda Rousey


Sari-sari talaga ang cultural products na iniiulat. Iba’t iba rin ang pamamaraan sa pagsusuri ng bawat produkto.Hindi pa rin tapos ang paguulat at pagprepresent itutuloy pa ang ibang presentation sa Abril 16 at isa ako sa magprepresent. Nahihiya talaga ako magpresent eh takot kasi akong nagsasalita sa harapan ng madla pakiramdam ko kasi kakainin nila ako ng buhay ha-ha. Pero handa na naman na ako sa presentation ko simula ng inannounce ito sa amin. Mula sa activity na ito nalaman ko na kahit anong bagay pala pwede mong suriin at bigyan ng dekonstruksyon-mapa bagay, tao, pangyayari at iba pa. Sa bawat pagsusuri at dekonstruksyon na gagawin, mas lumalaki ang posibilidad na mas makilala nang mabuti ang isang konsepto o ideya. Malaking bagay din ang pagsusuri ng mga konsepto at ideya kasi mas lumalalim ang paguunawa mo sa isang bagay tila ba you get to know more than and beyond what a certain concept or idea projects. Hindi ito natatapos sa itsura lamang ng isang bagay kundi higit pa roon. Naniniwala ako na mahalaga ang pagsusuri at ang dekonstruksyon dahil mas nauunawaan mo ang mensahe o ibig sabihin ng isang konsepto o ideya; dahil din sa pagsusuri at pagbibigay ng dekonstruksyon natututo tayong kwestiyunin ang lahat ng bagay-pagkiwestiyon sa mga batas, istratehiya at decision. Isa pa, dahil din dito ay natututo tayo na to go and move beyond this and that.

Magsuri at magbigay ng dekonstruksyon. Mag-isip nang lampas pa sa kahon. 

Manahan sa lugar ng kapayapaan

on Lunes, Marso 25, 2013

Lupang hati-hati, pag-isahin natin muli!

Noong nakaraang Marso 14, 2013 (Huwebes)ako ay lumiban sa klase dahil sa field trip ko para sa isa kong klase, MINDEVT.Pumunta kami sa Cotabato, oo sa may Mindanao 'yun. Bale apat na araw din kamidoon-Marso 14 hanggang Marso 17,2013. Hindi namin nasunod ang aming itinerarydahil nadelay ang aming flight.

Ang Unang Araw...
Nakarating kami sa Awang (airport saCotabato) pasado ala-una na ng hapon, may sumundo na sa amin na shuttle, kumainmuna kami pagkatapos pumunta na kami sa El Manuel Hotel upang maayos ang amingmga gamit at makapag-ayos ng aming mga sarili. Pagkatapos, pumunta kami saPeople’s Palace. Tinawag daw itong People’s Palace dahil pera ng mga tao roonang ginamit upang magawa ang lugar na iyon, purong pera lang nila. Doon saPeople’s Palace, nakausap namin ang ibang opisyales doon. Tapos mula roonnagpunta kami sa may ARMM Complex upang makita ang Office of the RegionalGovernor ng ARMM pati na rin ang Regional Legislative Assembly. Nagikot-ikotkami sa complex na iyon. Nakita namin kung paano ginagawa ang isang session saRLA. Tila ba kongreso rin, kaya nga little congress ang tawag sa RLA sa ARMM.Sa executive lounge kami ng RLA pinaghapunan at nagkaroon din ng forum o talk.Bago tuluyang matapos ang unang araw namin doon, nag-courtesy call kami saRegional Vice-Governor. Saglit lang iyon dahil gabi na rin. Pagkatapos noon,umuwi na kami pabalik sa hotel upang magpahinga.

Ang Ikalawang Araw...

Ang una naming pinuntahan ay angInstitute of Bangsamoro Studies upang makausap si Abhoud Lingga. Pagkatapospumunta kami sa Regional Planning and Development Office para malaman ang mgaupdate at news ukol sa ARMM. Noong bandang tanghali naman nagpunta kami saInstitute for Autonomy and Governance, Inc para makausap naman si Fr. JunMercado. Pagkatapos ng workshop/ seminar kay Fr. Mercado, nag-ikot kami saNorte Dame University (NDU).Sunod dito ay pumunta na kami sa Jehan Hall para saisang forum ukol sa peace and development sa nasabing rehiyon. Nandoon angiba’t ibang ahensiya at mga opisyales. Nagkaroon din ng isang culturalpresentation roon, yung mga native na sayaw yung prinesent nila. Napaka-makulayng mga damit nila, nakaaliw din yung tunog ng mga instrumento. May iba ringnag-subok na sumayaw ng Singkil- yung may kawayan. Haha. Nakakaaliw talaga.Doon na rin kami naghapunan. Hindi pa natapos ang ikalawang araw na iyonnakausap pa namin ang current Vice Mayor ng Cotabato City at ang Chairman ngCentral Committee ng MNLF na si Datu Muslimin Sema. Pinag-usapan namin angnangyayari ngayon sa MNLF pati na rin ang stand nila doon sa FrameworkAgreement on the Bangsamoro. Napag-alaman namin na hindi sila naging bahagi ngframework na iyon. Ang mahalaga para sa kanila ay magkaroon ng autonomy. Nagingmakabuluhan ang naging diskusyon namin subalit masyado na kasing gabi kayanagpagdesisyunan na umuwi na lang sa hotel.

Ang Ikatlong Araw...

Ito ‘yung araw na dapat pupunta kami sasite kung saan naganap ang Maguindanao Massare at pupunta raw dapat doon sabahay nina Ampatuan, pero hindi natuloy, at sobrang ikinalungkot ko talagaiyon, kasi sa pagpunta namin mismo sa mga lugar na yon makikita namin anginjustice na naranasan ng mga biktima pero wala eh hindi natuloy (dahil dawhindi safe, delikado, walang oras at kung ano-ano pang dahilan). Kaya namanbilang kapalit ng naudlot na pagpunta sa mga nasabing lugar, pumunta na lamangkami sa may Kabuntalan, Maguindanao (at mula sana sa lugar na ito ay 15-20minutes na lang papunta sa site ng massacre). Doon sa Kabuntalan, mayroongkampo roon ng mga sundalo. Nagikot lamang kami sa lugar na iyon at sumakay ngairboat. Umalis na rin kami roon tapos nag-ikot sa Kabuntalan, nakita naminroon ang mga proyekto ng pamahalaan doon. Yung mga bahay roon ay medyo maykataasan-may bamboo stilts kasi raw bahain doon kaya kailangan mataas talagaang kinalalagyan ng mga bahay nila. Pinakita rin sa amin ang mga pinagkukuhanannila ng tubig. Nagpunta rin kami sa isang community mini library- nakita namindoon yung mga produktong nililikha nila gawa sa water hyacinth o water lily.Nagpunta rin kami sa burnayan doon o weaving, ang gaganda ng mga produktongna-weave nila, ang ganda ng bawat hibla ng sinulid at isa pa bawat disenyo nawineave pala ay may istorya. Bandang tanghali ay pumunta kami sa Grand Mosque.WOW, yaan talaga ang una kong nasabi, ang ganda kasi at ang lawak ng lugar.Unang beses ko kasi makalapit sa isang mosque madalas nakikita ko lang. Peroang ganda pala talaga. Simple lang yung loob ng mosque pero maganda at eleganteang dating. Pagkagaling doon, pumunta kami sa isang kainan upang mananghalian.Pagkatapos ay pumunta kami sa bahay ni Datu Ismael Dustin Mastura na isang LaSallian rin at Political Science rin ang naging kurso. Ngayon siya ay angVice-Governor ng Maguindanao. Nag-kwento siya ukol sa pulitika sa Maguindanao.Pagkatapos ay nagcity tour na lang kami (kakaibang city tour dahil sa kotselang kami wala raw kasing oras para bumaba pa kaya hanggang tingin na lang kamioha saan kayo nakakita ng tour na ganoon di ba?) Binigyan lang kami ng langminuto para mamili sa barter trade, imbes na oras minuto lang (dahil gahol nanaman daw sa oras), kaya nakakawalang gana tuloy na umikot eh ay nako talaga,hindi ko tuloy nabili yung mga binilin sa akin. Bumalik din kami sa hotel upangmakapagpahinga tapos umalis kami at nagkaroon ng talk kasama ang mga IndigenousPeople (IPs) pinangunahan ito ni Assy. Deonato Mokudef. Kumain muna kami doon,medyo maingay doon sa lugar kasi parang KTv bar siya pero tolerable naman yungingay. Nagkaroon din ng forum doon lalo na sa isyu ng mining, tutol sila sa miningkasi para sa kanila hindi ang industriya ng mining ang tutulong sa pag-unlad ngbuhay ng mga IP doon mas nais nila yung mga makalumang industriyang nakasanayannila kasi kahit papaano hindi raw nakakaroon ng negatibong karanasan at dahilkasi sa mining at logging nasisira yung kapaligiran nila. Naungkat din ang isyung pagkakaroon ng responsible mining at logging pero para sa kanila hindi itoposible. Naniniwala rin sila na magaganda ang mga batas ukol sa mga nabanggitng mga isyu pero kasi hindi naiimplement ang mga batas na ito. Pagkatapos ngusapan at umuwi na rin kami sa hotel.

Ang Huling Araw ...

Wala namang gaanong naging remarkable nanangyari sa huling araw. Nag-ayos ayos lang kami ng aming mga gamit. Binigyankami ng paperbag ni Sir Benjie (bahagi siya ng South Central Mindanao TouristCouncil) bilang token nila sa amin tapos ang nakasulat pa roon sa paperbag ayCotabato City: City of Peace. Bago kami lumisan sa hotel, napagpasayahan naminnina Rai at Marjo na pumunta roon sa Convention tapos may nagaganap palangkasal, naaliw ako kasi unang beses ko makasaksi ng kasalan sa ganoong lugar-makulay din ang mga kasuotan nila tapos wala doon yung babae/bride, tanging anglalaki/groom lang nandoon at ang mga magulang nila. Lumisan na rin kami nghotel tapos iniintay ang flight namin, at delayed na naman ito pasado alas-tresna kami ng hapon nakarating sa Manila.

Sa kabuuan ...

Nag-enjoy ako sa field trip na ito. Ditoko napatunayan na hindi naman dapat ikatakot ng mga tao ang pumunta sa Mindanaoeh. Mababait din ang mga tao. Marahil, masyado lang nabulag ang karamihan saatin dala nga ng media kaya maraming natatakot na pumunta roon. Pero kasimahirap ding mag-generalize na nakakatakot ang isang lugar tapos hindi mo panapupuntahan, baka kasi manghusga dapat magkaroon ka muna ng first-handexperience sa lugar. Maliban pa rito, nakakatuwa na naranasan ko makipag-usapsa mga taong nandoon at yung mga pagtingin nila sa mga isyung pinupukol sakanila, kahit papaano ay nalaman ko ang dalawang bahagi ng kwento. Marami akongbagay na natutunan, nalaman ko rin ang realidad sa lugar na iyon. Sayang ngalang at hindi kami gaanong nakapaglibot eh, umiyak nga talaga ako noon kasihindi kami nakapunta doon sa mga lugar na tinatampok sa news, nakakahinayangkasi (kaya huwag dapat magsama ng mga taong KJ at immature eh, bato-bato sa langit,tamaan huwag magalit), nandoon ka na at lahat eh pero dahil sa kanila hindituloy namin naranasan mapadpad sa mga lugar na iyon. Ako na mismo angmagpapatunay na hindi dapat katakutan ang lugar ng Mindanao, dapat nga aybisitahin ito eh, mas malalaman mo yung kakaibang kultura at pulitika sa lugarna ito. Babalik uli ako roon pangako.


Para sa mas maraming at detalyadong larawan, maaari mong bisitahin ang site na ito: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.554228741274365.1073741826.100000617333661&type=1 at https://www.facebook.com/media/set/?set=a.554726324557940.1073741828.100000617333661&type=3


Mga Inosenteng Alipin (Cultural Product Power Point)

on Huwebes, Marso 21, 2013
Sa blog entry na ito, ilalathala ko lamang ang mga materyales na ginamit ko sa aking pag-uulat sa klase ukol sa aking cultural product. Snapshots lamang ang mga ito. Kung nais mong mabasa ang kabuuan ng aking ulat, maaari mong puntahan ang link na ito: http://libretanimaya.blogspot.com/2013/03/mga-inosenteng-alipin-fifth-critical.html

















Minasmadan ka’t tinitimbang

on Martes, Marso 12, 2013


Minamasdan ka nila, tinititigan nang hindi mo alam; ‘yung iba pinapangarap na maging ikaw, ‘yung iba naman ayaw sa iyo.


Sa aming klase ngayon, nagkaroon kami ng exercise. Una, pinapili muna kami ng ka-partner, dapat hindi namin gaano kakilala. Tapos noon, pinagtabi-tabi na ‘yung mga magkakapartner. Inutusan kami na tignan lang ‘yung kapareha namin tapos obserbahan siya. Tapos sa bawat obserbasyon namin ay gawan dapat namin ito ng dekonstruksyon. ‘Yung tipong magbibigay kami ng isang ugali ng tao tapos mula sa ugali na iyon paglalaruan namin iyon, halimbawa: “ang mga damit na sinusuot niya ‘yung para bang nagpapakita kung gaano kaganda ‘yung hubog ng katawan niya-‘yung abs niya o muscles niya”, tapos “pero lalaki nga kaya siya? baka naman pang-harap lang niya ‘yun para hindi pagdudahan ng iba ‘yung pagkalalaki niya.” Isang halimbawa lang ‘yan. Binigyan kami ng ilang minuto tapos kinolekta na ‘yung mga papel namin. 

Ano ba naramdaman ko noong ginagawa ang exercise na ‘yun? Noong ako ‘yung pinagmamasdan o inoobserbahan, hindi ako kumportable. Hindi kasi ako sana na minamasdan talaga, ayaw ko nga na tinititigan ako eh, nakakabastos kasi minsan. Eh wala naman akong magagawa kasi bahagi nga ng exercise ‘yun. Maliban sa hindi ako kumportable, siyempre napapaisip din ako na “hala ano kaya isusulat niya?” Tanggap ko naman kung positibo o negatibo ‘yung mga ilalagay niya. Tapos sa bawat tingin ng kapareha ko sa akin, nararamdaman ko na parang wala akong kapangyarihan- parang bagay lang ako para sa kanya ganoon; ‘yung para bang wala akong laban sa kung anuman ‘yung sasabihin niya ukol sa akin. Sa katunayan, ako kasi ‘yung tipo ng tao na wala talagang pakialam sa sasabihin ng iba, ewan ko ayaw ko lang pansinin kasi sasakit lang ulo ko; hindi rin naman ako ipinanganak para suyuin lahat ng tao eh. Gusto ko kasi kung ano ‘yung nakikita nila sa akin, ‘yun na ‘yun. Susunod, noong ako naman ‘yung nagmamasid o nagoobserba doon sa kaparehas ko, medyo naiilang ako kasi nga hindi kami ganoong magkakilala. Nahihirapan akong ilarawan siya siyempre kasi ayaw ko naman maging mapanghusga ‘yung dating ko. Siyempre nandoon ‘yung pakiramdam na mayroon akong kapangyarihan na suriin ‘yung pagkatao nang kaparehas ko.

Binasa ng aming propesor ‘yung ibang papel at isa ako roon sa mga nailarawan. Ang natatandaan kong pagkalarawan sa akin ay: “naka-pony tail madalas; simple manamit; ‘yung mga kagamitan ko ay branded; masungit tignan kaya dapat mas makilala pa; time-conscious; studious; sa pagiging abala sa pag-aaral, paano kaya siya sa isang romantikong relasyon” Ano ba masasabi ko ukol sa paglalarawan sa akin? Doon sa nakapony tail, bihira lang talaga ako mag-ipit ng buhok kapag nasa school nagkataon lang na sobrang init kanina kaya nakaipit ako; sa simple manamit, ‘yung sinusuot ko kasi binabagay ko sa pupuntahan ko at saka gusto ko makakagalaw ako nang maayos- ‘yung kumportable ba ganoon; sa branded na gamit-hm, oo maarte ako kapag dating sa gamit, gusto ko lahat may tatak inaamin ko naman na brand-conscious kasi ako; doon sa masungit, ay nako wala ng bago madalas ‘yan ang unang impresyon sa akin- masungit, mataray, suplada, alam ko at tanggap ko ‘yun, sa katunayan, masungit talaga ako lalo na kapag ayaw ko doon sa tao pero kapag gusto ko siya na maging kaibigan hindi naman ako nagsusungit, maldita lang talaga; tapos doon sa pag-aaral at time-conscious at relationship, binibigyang importansya ko ang pag-aaral ko talaga subsob kung subsob siyempre ayaw ko naman na mapunta lang sa wala ‘yung pag-aaral ko kasi naman sayang ‘yung pera ng lola at magulang ko di ba? Ma-oras talaga akong tao, lahat ng kilos ko de-oras. Sa romantikong relasyon, nakakatawa ‘yan kasi kapag sasabihin kong nasa isang romantikong relasyon ako ayaw maniwala ng iba kasi raw parang wala akong oras sa ganoon, pero mayroon talaga, malapit nang magtatlong taon, kaya ko pa naman i-balanse ang oras ko sa iba’t ibang bagay.

Binanggit ng aming propesor na tayong mga tao ay isang cultural production. Nararanasan ng bawat isa sa atin na mahusgahan at manghusga. Sa exercise na ito, natutunan ko na mas ayos pala na hindi mo alam na minamasdan ka tapos tinitimbang ka-‘yung unconscious ka, mas okay ‘yun kasi nakakailang lalo kapag alam mo eh. Ako kasi mahilig akong magdekonstruksyon ng ibang tao- wala lang gusto ko lang pag-isipin ang sarili ko. Siyempre naroon na may negatibo at positibo akong pagtingin sa taong dinedekonstruksyon ko
Kapag ikaw ‘yung nagmamasid at tumitimbang doon sa tao, mas makapangyarihan ka (base sa pakiramdam mo), pero kapag ikaw ‘yung pinagmamasdan at tiniimbang, pakiramdam mo ang baba o isa kang bagay

Manood tayo!

on Huwebes, Marso 7, 2013


Kanina sa klase, hindi kami nagkaroon ng leksyon. Nanood kami ng mga video na magagamit namin para makapag-desisyon sa kung anong cultural na produkto ang nais naming suriin. Sa blog entry na ito, nais kong ikumpara ang videos na napanood ko at kung ano ang mga ideya ko ukol sa mga ito.


Unahin natin ‘yung videos ng Survivor Philippines Season 1 at ‘yung ginawa sa Palau. Bale, sa parehong videos, kapansin-pansin ang pagpapakita ng mga katawan ng mga kalahok. Tingin ko sobrang lantad talaga ‘yung mga katawan nila. Kumpara doon sa Survivor Philippines Season 1, mas sobra at higit na lantad ang mga katawan sa Survivor Philippines sa Palau. Isa pang napansin ko rito ay marami sa mga kalahok ay mga may itsura- gwapo at maganda, tapos parang mga modelo sa mga magasin. May ilan na normal lang ang itsura pero higit pa rin ‘yung talagang mga glamorosa. Sa aking palagay, ‘yung pangangatawan ng mga kalahok ay talagang nako-commodify. Dahil sa paglantad ng katawan, lalo na kung matipuno tapos magaganda, tiyak na maraming manonood nito. Isa pa, ‘yung napansin ko, sa una ipapakita nila ‘yung lugar tapos ‘yung magaganda’t kakaibang matatagpuan sa lugar na ‘yun- siyempre ako bilang manonood, naakit sa ganda ng lugar, akala ko lugar lang ‘yung ipapakita tapos biglang mga tao na halos hubad na. Mas lantad din ang mga katawang ng babae kumpara sa mga lalaki. Kapag dating naman doon sa mismong lugar o tagpuan, natural ‘yung lugar pero ‘yung vibe ay hindi kasi siyempre may mga kamera roon siyempre kapag may kamera, iba ‘yung galaw ng tao eh, maiilang sila kaya hindi maipapakita ‘yung natural na galaw nila. Tapos noon, ‘yun nga noong sinabi sa amin ng aming propesor na mayroong transgendered/ transexual, nagulat ako kasi doon sa video ng Survivor Philippines: Palau akala mo talaga ay purong babae tapos lalaki. Nakakatuwa na kahit na ganoon siya ay hindi siya nahiya kaya pa rin niyang ipagmalaki kung sino siya. Tapos biruin mo pinakita niya na hindi dapat mina-marginalize ang mga tulad nila.


Ikalawa naman, ‘yung Last Song ni Elton John. Hindi ko rin kasi kilala si Elton John pero nang lumabas na siya doon sa video, inisip ko na parang hindi tuwid na lalaki siya tapos ‘yun nga pinaliwanag sa amin ng aming propesor na hindi siya tuwid na lalaki (bakla raw siya). ‘Yung sa kanta niya, dapat mapanood ng lahat ng tao ‘yun eh lalo na ‘yung sobra mang-diskrimina sa mga bakla at tomboy. Hindi naman kasi sila dapat tinataboy eh, tao rin naman sila, hindi naman nila kasalanan kung  ‘yun ang naging kasarian nila hindi ba? Oo ginusto nila ‘yun at dapat respetuhin natin sila kasi hindi naman nila tayo inaano eh. May kwento ako: may pinsan kasi ako na medyo bakla bakla, nasa in-denial stage pa siya. Bale napansin ko na ‘yun dati pa kasi siyempre sa pagkilos niya- mapilantik, daming nilalagay sa katawan tapos ang bagal pa kumilos. Oo inaamin ko tinutukso ko siya pero hanggang doon lang ‘yun sinabihan ko pa nga siya na okay lang kung bakla siya eh wala namang masama roon basta ba wala siyang natatapakang tao. Kaso nga lang ‘yung tatay niya at tatay ko sinasabihan na kung may magiging bakla raw sa pamilya ibibitin nila patiwarik. Siyempre natakot magladlad ‘yung pinsan ko. Sabi ko kung patuloy siyang matatakot hindi niya malalaman ang tunay na pagkatao niya eh ‘di nandoon ‘yung pakiramdam na may kulang sa pagkatao mo. Matino naman siya eh, masipag mag-aral hindi naman na dahil bakla na siya eh sasama at mag-iiba na ‘yung tingin namin sa kanya eh. Sa umpisa mahirap tanggapin kasi sa father side siya ‘yung unang lalaking apo, pero ganoon talaga eh, saka ‘yung pagiging bakla niya hindi naman nakakabawas sa pagkatao ‘yun eh.


Tapos ‘yung sunod na video naman ay ‘yung kanta sa Hunchback of Notre Dame: God Save The Outcasts. Eto ‘yung kantang inawit ni Esmerelda na nagpapahiwatig sa kung paano tratuhin ng mga nakakariwasa at normal na tao sina Quasimodo at ‘yung iba pa. Sa bawat lipunan, hindi na maaalis na may mga ma-di-discriminate at ma-ma-marginalize. Ganoon kasi ginawa ang ibang lipunan eh. May mga taong mapag-mataas at mata-pobre na akala mo kung sino sila pero higit naman na mas masasama sila kaysa sa mga inaapi nila. Mahirap kasi sa lipunan na ganoon, sobrang onti lang ng mga tao na nagpapakita ng malasakit sa iba kaya ang Maykapal na lamang ang makakapitan nila. Sa awiting ito, makikita kung paano ang paghahati-hati ng antas sa lipunan nina Esmeralda noon tapos na sobrang halaga ng pisikal na anyo. Pinakita rin na madalas ang mga tao ay sobra humiling ng mga materyal na bagay para sa sariling benepisyo at kaunti lamang ang walang hinihingi kundi ang pagkakaisa at pagkapantay-pantay sa lipunan.
Panghuli, ang mga video doon sa Kapuso Mo, Jessica Soho na ukol sa mga bakla na may pang-lalaking trabaho- boceador, kaingero at umaakyat pa sa coconut tree. Tapos si Lady Gagita pa! Tapos ‘yung sa macho gays, na sobrang kikisig na mga lalaki tapos ‘yun pala bakla. Sa mga video na ito, makikita na ang kasarian na taglay nila ay hindi sagabal sa kung ano ang nais at hangarin sa buhay. Ang lipunan lamang ang gumagawa nang malaking usapan dito eh. Ano naman kung bakla o tomboy sila- wala na ba silang karapatan at kalayaan? Hindi dapat ganoon ‘yun. Sobra lang kasi manghugas ang ibang tao sa lipunan natin eh. 


Sana kasabay nang pagdaloy ng panahon ay pagtanggap natin sa bawat tao sa ating lipunan kasi hindi natin namamalayan na kaya hindi rin umaasenso ang lipunan natin ay dahil sa sobra tayo mang-mata at man-discriminate nang ibang tao eh. 

Mga Inosenteng Alipin (Paper II/Fifth Critical Commentary: Cultural Product Analysis)

on Miyerkules, Marso 6, 2013
Ako’y alipin mo kahit hindi batid . . .
Iyan ay isang liriko mula sa awiting ng Shamrock na may pamagat na “Alipin”. Bale ‘yung nilalaman kasi nang awitin ay isang taong na sobrang umiibig kahit na hindi naman siya pinapansin nang mahal niya ay handa itong gawin ang lahat para mapansin at mapaibig lamang ang iniirog.  

Alipin? Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Madalas ginagamit natin ang salitang alipin para ilarawan ang isang tao na sunud-sunuran sa kaniyang amo. Kahit noong panahon pa bago dumating ang mga Espanyol, may mga alipin na sa ating bayan- ‘yung aliping namamahay at saguiguilid. At nang dumating ang mga banyagang mananakop, tayong mga Pilipino ay naging alipin sa ating sariling bayan- magpasahanggang ngayon naman din eh, kasi kapansin-pansin ang pagsunod natin sa mga impluwensiya ng mga taga-Kanluran  o ng mga ibang bansa, kung ano ang uso sa ibang bansa, makikiuso rin tayo, ni minsan nagawa nab a nating mga Pilipino na hindi sumunod sa uso? Parang hindi pa. Sa panahon ngayon, sino na nga ba ang mga alipin? Sila ba ‘yung mga kasambahay, mga boy, taga-dala o taga-bitbit ng kung anu-anong gamit? Iyan ang pangkaraniwang konsepto natin ng pagiging alipin, pero huwag ka, hindi lang ‘yan ang mga alipin. Isipin mo na lang: malay mo isa ka ring alipin pero hindi mo lang batid! 


Bugtong, bugtong: "nagsaing si Totong, bumubula'y walang gatong".

Naaalala ko noong nagkaroon nga kami ng lakbay-aral sa Laguna noong Marso 1-3, 2013; may isang nagsalita, Si Ms. Rica Palis,  doon sa forum tapos talagang naaliw ako sa sinabi niya. Siya pala ay isang proposer, sociologist at taga-awit pa! Sa katunayan, nagustuhan ko ‘yung ginawa niya sa forum no’n. Kumanta kasi siya tapos dahil wala siyang gitara ginamit niya ‘yung la mesa bilang saliw sa kanta nila. Pero bago pa man siya umawit sinabi niya sa amin na tula talaga iyon at nilapatan lang niya ng musika.  Bale si Ms. Joi Barrios ang kumatha ng tula. Siya ay isang kilalang manunulat. At ang alam ko pa ay galing siya nang University of the Philippines (UP) – Diliman. Sinabi rin niya na ‘yung tula ay isa lamang sa mga seryeng tula ng sumulat parang anthology raw ‘yung naging dating, basta ayun, nasa ibaba bale ‘yung tula/ awit na pinakita niya sa amin:

SABON
ni Joi Barrios

Babae ang laging bida
sa patalastas ng sabon.
Pag sabong pampaganda,
laging nang-iinggit
dahil mapanghalina
ang kutis na makinis
"Salamat sa Lux!"

Pag sabong panlaba,
masayang ginigiit
nakahit di magkula
ay puputia ng damit.
"Salamat sa Ajax!"

Bago magwakas ang patalastas,
lalaki ang nagpapasalamat.
Kutis ng nobya'ykay sarap haplusin,
labada ni Misis, kay bangong amuyin.

Ang babae'y nakakahong
parang baretang sabon, sa telebisyon.

Kung susuriing mabuti ang kathang nakalathala sa itaas, lalo pa’t ang salamin o diskurso ng peminismo (feminism) ang gagamitin, kapansin-pansin na nilalahad na ang mga kababaihan ay nagiging inosente sa kung sa paano sila tinatrato ng mga kalalakihan sa realidad.

Sabon- simple at direktang salita. Ang sabon ay isang bagay na ginagamit upang palinisin ang isang bagay. Lahat naman nang tao gumagamit ng sabon hindi ba? Pang-hugas ng kubyertos o ng mga kamay at sa paliligo. Dati naman noong panahon pa ng mga ninuno natin, hindi pa naman marahil uso ang sabon eh, nauso na lang ang sabon nang ipinangak na ang agham at teknolohiya- siyempre may mga nag-eksperimento na eh kaya ayan tadah may sabon na tayo. ‘Yung sabon na alam ko noon ay may isang kulay lang- kulay puti pera ngayon nako ang dami na may kulay cream, orange, green at iba pa. Dati ‘yung sabon talagang panlinis lang, ngayon may ibang sabon na pampaputi at pampaganda ng balat. Hindi lang ‘yun, hindi lahat ng sabon ay solid, may mga liquid soap na kaya. Naaalala ko noong bata pa ako aliw na aliw ako sa sabon kasi nga may bula (siyempre bata eh mababaw lang kaligayahan). Mahalaga ba ang sabon sa iyo? Marahil oo! Ako kasi oo mahalaga ito sa akin. Una, kapag naliligo ako gumagamit ako nang sabon para luminis katawan ko (kasi nga pang-alis nga raw ng dumi ang sabon para germ-free ako at saka puputi raw ako kapag ginamit ko ‘yung sabon). Ikalawa, ako kasi ‘yung taga-hugas sa bahay eh, kaya isang pangangailangan ang sabon sa paghuhugas ng pinggan, baso, kubyertos pati ‘yung pinaglutuan para matanggal ‘yung lansa, sebo, at iba pang dumi. Dahil sa sabon, lilinis ang lahat.
Sa lathala, ang mga kababaihang tinutukoy dito ay ‘yung mga babaeng palaging kinukuha at ginagamit na para sa mga patalastas ng mga sabong pangkatawan at panlaba.

Unahin natin ‘yung mga sabong pangkatawan, nasabi ko na kanina na hindi lang basta sabong panlinis nang katawan ang mga sabon may pampaputi, pampaganda nang kutis at iba pa. Sa ganitong uri ng mga sabon ang mga babaeng nag-eendorse ay sina Anne Curtis, Heart Evangelista,  Kim Chui, Marian Rivera at iba pa, ‘yung mga nabanggit lang kasi ‘yung sobrang dalas kong makita. Siyempre ‘yung mga modelo o nag-eendorse ay talagang magaganda. Maliban sa pagiging maganda ay glamorosa rin dapat. Kung magaganda’t glamorosa, tiyak na maraming bibili ng produktong ito, bebenta talaga sa lahat ng tao. ‘Yung Lux na nabanggit sa lathala, palagay ko ito ‘yung sikat na sabon nang mga nakalipas na taon, hindi rin ako gaanong pamilyar kasi sa sabon na ‘yun eh.



Nais kong talakayin kung ano ang nangyayari sa isang patalastas nang sabong pampaganda. Ganito yan (eto ay base lamang sa mga nakikita ko sa patalastas ah!) siyempre may babae tapos may lalaki, ‘yung babae gusto niya ‘yung lalaki pero nahihiya siya doon sa lalaki dahil pakiramdam noong babae hindi siya matatanggap noong lalaki dahil hindi siya maganda- maitim kasi o hindi gaanong maputi. Pagkatapos noon, may dadating sa eksena, isang babaeng maganda-dahil maputi tapos sasabihan niya ‘yung unang babae na gumamit nang sabon na ginamit niya at puputi rin siya sa loob lang nang ilang araw. Tapos, ayun ‘yung lalaki na pinagpapantasyahan noon ng unang babae ay sa wakas mapapansin na rin siya kasi gumanda- pumuti na siya eh. Hindi kaya naman, ipapakita sa patalastas kung gaano hindi maputi ‘yung artist tapos sasabihin na sa paggamit nang sabon pagkatapos ng ilang buwan, pumuti na siya; kumbaga noon at ngayon ‘yung ipapakita. O pwede rin namang may isang babae na sobrang puti, walang marka ng tigyawat, wrinkles o ng kahit ano pa man ay ipapakita tapos ayun nagsasabon lang siya tapos may dadating na napakakisig na lalaki. Kaya ano ang napupulot natin sa mga patalastas na ito: gumamit ka lang nang mga sabong pampaganda at gaganda ka at dahil diyan magiging kaakit-akit ka sa mga paningin ng tao at ang lalaking gusto mo ay mapapasayo. 

Pero hindi naman lingid sa ating kaalaman na ‘yung mga babaeng modelo nang mga sabong pampaganda ay talagang natural na ‘yung kutis at ganda eh- malay mo nagparetoke o nagpa-bleach hindi ba? Kasi, sa tingin ko ha, hindi at pawang kalokohan na puputi at gaganda ang kutis mo nang tulad nila agad agad eh siguro magkakaroon ng epekto pero bahagya lang. Hindi ako laban sa mga magagandang kababaihang modelo ng mga sabong ito ah, nasabi ko na nga sa itaas na kahit ako ay gumagamit nang sabong ganoon eh, (titik O nagsisimula tapos apat na letrang salita lang haha!), kailangan ko lang kasi silang gamitin bilang halimbawa.

Samantala sa mga sabong panlaba naman, madalas mga kababaihan ang nagmomodelo pero mga nanay na hindi katulad sa nauna na magagandang babae, dito ‘yung katamtaman lang ‘yung ganda. Tapos sa mga bagong sabong panlaba may mga lalaki na ring nagmomodelo nito. Tingin ko sa pagkakaroon ng lalaki sa mga patalastas nang sabon pinapakita na kahit papaano hindi lang ang mga babae ang dapat may alam sa bahay kundi ang parehong kasarian.

Ganito naman ang takbo sa mga patalastas ng mga sabong panlaba: may isang nanay na sobrang malulungkot/ magagalit/ maaasar dahil hindi niya alam kung paano ba matatanggal ‘yung namuong mantsa sa damit ng mister at anak niya tapos maliban sa pagtanggal ng mantsa ay dapat niya ring paputiin ito. Tapos may dadating uli at papasok sa eksena na magsasabi na kapag ginamit niya ‘yung sabong panlaban na inaalok niya panigurado tanggal na ang mantsa at puputi pa ang damit. Tapos gagamitin niya kaya ayun lahat ng labahan niya ay tanggal ang mantsa at pumuti, tapos makikita ng asawa’t anak niya at magsasaya na sila. O ‘di kaya naman parang testimonial ‘yung dadating tapos may brands x at y, may nanay na gagamit ng brand x tapos may gagamit ng brand y, tapos ayun, iaangat ‘yung nalabhan tapos ipapakita ‘yung sabong mas nagpaputi at nagtanggal ng mantsa sa damit. Kaya ang aral na nakukuha ay dapat gumamit ng isang matinding sabong panlaba na tatanggal sa mga mantsa sa mga damit at magpapaputi rito. Kapag gumamit ka nito, wala ka nang dapat pang problemahin, maliban pa rito sasaya ang asawa at anak mo.

Ganito kadalasan pinapakita ang mga sabon sa mga patalastas mapa sabong panlaba o pampaganda. Kung gagamitin ang political-economic analysis: hindi na maipagkakaila na kumpara sa lalaki, hindi gaanong mataas ang tingin sa mga babae, kakaunting lipunan lang talaga ay may pagkilala at higit na pagtingala sa mga kababaihan. Sa paggamit namang ng discourse analysis, masasabi na ang pagtingin at pagtrato sa mga kababaihan ay depende sa lipunang ginagalawan- may mga lipunan kasing maka-ama mayroong maka-ina. Sa kahulihan, masasabi na nasa lipunan na kung ano ang pagtingin nila sa mga babae. 

Bilang karadagan, kapansin-pansin na totoo nga na ang katotohanan ay hindi kasing ganda o kaaya-aya tulad ng nakikita natin sa patalastas. Isa pa doon sa mga patalastas ng mga sabon, dalawang bagay ang binibigay nitong pahiwatig: una bumili ka ng sabon para maranasan mo kung paano mahalin at ikalawa, ang pag-ibig o pagmamahal ay mabuti at mahusay pero ang produksyon o paggawa nung sabon at patalastas ay mas mahusay. Sa mga patalastas din ng sabon, higit na naitatampok ang politika ng katawan- alam naman nating lahat na lalo na sa mga pataslastas ng mga sabong pangkatawan, pinapakita talaga 'yung paggamit ng sabon nung mga modelo (naliligo, shower tapos sabon), pinapakita rito ang pagiging sex objects ng mga babaeng modelo. May mga argumento ang iba't ibang uri ng peminismo ukol sa pagiging sex objects o pagiging inferior at oppressed ng mga kababaihan at ito ay ang mga sumusunod: para sa mga Marxist Feminist: ang mga babae ay naaapi dahil madalas ay nakatakda sila sa mga gawain o trabahong domestikado, lokal o pantahanan lamang (tulad ng paglalaba, pamamanlantsa, pagluluto at iba pa) at kapag ang mga babae ay sumali sa mga trabaho o gawain na hindi lokal, yung mas malaya ay doon lamang makakalaya ang mga babae mula sa economic at political exploitation; para sa mga Socialist Feminists naman ang mga babae ay naaapi dahil sa mga traditional roles and identities na tinatanim ng lipunan sa kanila gayunpaman ang mga babae ay dapat makalaya at makawala mula rito para mas magkaroon sila ng sariling kontrol at responsibilidad sa sari-sarili nilang buhay; para naman sa mga Radical Feminists, ang sexual differences ng babae at lalaki ang tanging bukal nung oppression sapagkat ang babae ay culturally defined by their own biology kaya tuloy ang kababaihan ay laging may tungkulin bilang isang ina pero maaari pa ring makawala ang mga kababaihan mula sa pang-aapi as long as masira ang mga traditional role.

Madalas ginagamit ang mga kababaihan para ma-please o magalak ang mga kalalakihan. Kumbaga babae ang dahilan sa pagiging masaya ng mga lalaki, kaya sa huli tila ba ang mga lalaki lang ang nakakatanggap ng mga benepisyo. Lumalabas na ang babae ang nagtatrabaho para ma-please o maging lugod lang ang mga lalaki. Hindi ako galit sa mga lalaki sadyang ayaw ko lamang na may taong natatakpan ang pagkatao. May bahagi ng aking pagkatao na ako ay isang peminismo. Naniniwala ako na dapat pantay lahat ng tao, hindi tamang dahilan ang kasarian para magkaroon ng mas makapangyarihan at mas mababa. Lahat ay pantay-pantay dapat. Sa palagay ko kasi hindi naman dapat maging malaking bagay ang kasarian eh, mahalaga ang kasarian ng isang tao dahil isa itong salik na bumubuo sa pagkakakilanlan ng isa tao pero mali rin na dahil lang sa kasarian ay hindi na magkakaroon ng kapatasan sa isang lipunan. Bagaman ganito ang aking paniniwala, hindi naman ako radikal, lahat ng bagay madadaan naman sa pakiusapan. Isa pa tingin ko lahat ng sangkatauhan ay dapat ma-empower o magbigyan ng kapangyarihan para mawala ‘yung pakiramdam na hindi siya kasali sa isang komunidad hindi ba? Basta pagkapantay-pantay at patas ang lahat ayos na ako roon.

Hindi maikakaila na ang kababaihan simula’t sapul lalo na sa mga maka-amang lipunan ay mas mababa ang antas kumpara sa mga kalalakihan. Base sa kaaalaman ko dapat ang babae noon ay hindi dapat lumalabas ng bahay at hindi rin pinag-aarala dahil sayang din daw ang pagpapaaral kasi mag-aasawa rin daw. Kaya sa bahay, ayun pagsisilbihan niya ang pamilya niya lalo na ang asawa. Pero sa ngayon dahil nag-iiba na ang panahon, hindi na gaanong mababa ang tingin sa mga kababaihan. Kung ano ang kaya gawin ng lalaki kaya na rin ng babae. Nagkakaroon ng nga ng mga pagkakataon na nababaliktad ang sitwasyon at ang lalaki na ang naiiwan sa bahay at gumagawa ng gawaing bahay tapos ang babae ay kakayod para sa pamilya oha! Maliban pa rito, sa ating bansang Pilipinas, maraming magagaling at tanyag na kababaihan na ang nagpa-angat sa ating bansa. Nakakalugod isipin na sa pag-lipas ng ilang taon ay nabago ang pagtingin sa mga kababaihan pero may mangilan-ngilan pa rin ang talagang kinukulong at kinakahon sa tradisyon- kundi katulong isang dekorasyon lang sa tahanan. Sa ganitong sitwasyon, marahil ang babaeng iyon na mismo ang dapat magdesisyon eh, dapat malaman niya na ang mga babae ay hindi lamang katulong o dekorasyon sa bahay at may iba pang ambisyon at hangarin na nais abutin.

Maging palaisipan sana ito. Isa ka kaya sa mga inosenting alila/ alipin/ katulong? Alam mo kaya na unti-unti ka nang nagiging isa sa mga alipin na ito ngunit patuloy kang tumatangkilik at nagpapakasaya sa nararamdaman mo sa kabila ng liblib? Mag-isip ka. 


Mga Sanggunian:
Contreras, A. (2011). POLTHEO: Lecture Notes.[PowerPoint Slides]
Contreras, A. (2013). CULPOLI: Lecture Notes.[PowerPoint Slides]
Lomotan, M. (2013). ENVISOC: Lecture Notes. [PowerPoint Slides]
Women Studies and Resource Center – Southern Mindanao Region,Inc. (2011, December 7). Sabon. Women Studies and Resource Center - Southern Mindanao Region,Inc. | We have dared to struggle for the women's cause, now we dare to reap the gains of our efforts.. Retrieved March 7, 2013, from http://womenstudiesandresourcecentersmri.wordpress.com/
(n.d.).Retrieved 7 March 2013 from http://www.freesmileys.org/smileys/smiley-think007.gif
(n.d.).Retrieved 7 March 2013 from http://www.freesmileys.org/smileys/smiley-confused005.gif
(n.d.).Retrieved 7 March 2013 from http://www.freesmileys.org/smileys/smiley-love007.gif
(n.d.).Retrieved 7 March 2013 from https://www.google.com.ph/imghp?hl=fil&tab=wi (Lahat ng imahe para sa collage ay nakuha mula sa Google Images. Pinagsama-sama ko lamang ito.)
(2012).Retrieved 7 March 2013 from http://www.youtube.com/watch?v=8G6bPf0jsOU
(2011).Retrieved 7 March 2013 fromhttp://www.youtube.com/watch?v=rBx1DYaKKNc



Halika, biyahe tayo! (Paper I/ Fourth Critical Commentary:Analysis on CulturalSpaces)

on Lunes, Marso 4, 2013


Nakapagmaneho ka na ba sa mga bayan sabaybay ng buong Laguna de Bay?


Ako? Hm, oo! Nakapasyal ako sa mga pilingbayan sa Laguna. Nagkaroon kami ng lakbay aralin noong Marso 1 hanggang Marso 3ng kasalukuyang taon. Ang mga pinuntahan namin ay ang Paseo de Sta. Rosa, SMCalamba, UP Los Baños, Sta. Cruz at Liliw. Sa may CEC na dorm kami sa loob ngUPLB kami nanirahan. Dapat ay pupunta kami sa Pagsanjan doon sa may Bangkerofestival pero hindi na kami natuloy eh . Hindi ko rin alam kung bakit. Sa blogentry kong eto, magsasalaysay ako nang mga ginawa namin noong lakbay-aral.Kumuha rin ako litrato. Hindi 'yun pwede mawala. Naniniwala kasi ako na ang mgalitrato ang magpapaalala ng mga memorya. Kahit na umalis na ako sa lugar naiyon, sa pamamagitan ng mga litrato masasariwa ko pa rin ang kagandahan ng lugarat 'yung mga ginawa ko roon!

Halos pasado alas-dose na kami umalis ng DLSU. Unang destinasyon namin ay ang Paseo de Sta. Rosa. Nang masilayan ko angPaseo, naalala ko ang Bonifacio High Street dahil pareho sila ng ayos-Americanstyle kumbaga. Nasa open space, hindi air-conditioned. Pero mas nagagandahanako sa BHS, hindi pa kasi kumpleto 'yung mga tindahan sa Paseo eh. Marami pangkulang eh. Tapos, sa Paseo habang naglilibot kami akala ko puro pangsosyal/mayayaman lang 'yung tindahan pati kainan hindi pala. Dahil sa maykaliwang bahagi may matatagpuang fastfood chains, general merchandise na muraang mga bilihin, pati carinderia. Makikita mo agad dito 'yung social divide sakanan 'yung pangmayayaman, sa kaliwa 'yung pang katamtaman. Sa Paseo makikitana sinusubukang tanggalin ang social divide at pagsasama 'yung lahat ng antasng tao sa lipunan. Pero hindi pa rin eh. Kasi siyempre ang mayayaman hindipupunta sa lugar ng mga pangkatamtaman o hindi sinwerte dahil hindi silakumportable at pakiramdam nila delikado. Ang mga hindi naman mayayaman hindipupunta sa lugar ng mga mayayaman dahil may pakiramdam na hindi sila para doon.Nang maglibot kami sa Paseo kaunti lamang ang mga tao dahil patay o alanganinang oras pero sabi nang mga nakausap ko marami raw ang pumupunta roon tuwingBiyernes ng gabi hanggang Linggo. Malapit daw ito sa Technopark at Nuvali.Kumpara sa Paseo, mas maraming tao raw ang pumunta sa Nuvali. Mas marami rinang mga taong tubong Laguna na pumupunta roon kaysa sa mga dayo. Tapos ‘yun ngamay mga tindahang pang-mayayaman mayroon ding mura. Kaunti lamang ang mga taosa tindahan ng mga damit maraming tao sa mga kainan. May mga dayuhan din akong nakita (Koreano atAmerikano). Nalaman ko rin na ang mga tindahan roon tulad ng Bench, Nike at ibapa ay mas mura ang tinitinda kumpara sa mga malls dahil nga outlet stores angmga ito. Tapos din doon kailangan nakakotse ka pag punta mo kasi ang hirapkapag commute at kung pupunta ka roon may sadya ka talaga-mamili o kumain. Tinginko sa Paseo de Sta. Rosa ‘yung cultural commodities na binibili atginagawa rito ay ‘yung mga tindahan na matatagpuanroon, lugar mismo, mga taong pumupunta at ‘yung vibe ng lugar. ‘Yung mgana-eempower naman siyempre ‘yung mga taong mayayaman o may kaya ‘yungna-mamarginalized ay ‘yung mga mahihirap o mga taong hanggang libot na lang napaningin sa lugar. Sa tingin ko kapitalismo ang dominanteng naratibo sa lugarna ito. Ang makikitang lumalaban sa lugar na ito marahil ay ang pagkakaroon ngmga tindahan na pang-masa kahit na given naman na dapat ang Paseo ay isanghigh-end na lugar. Pinapakita na tila ba na kung may pang-mayaman, dapat maypang-mahirap din. Para bang magka-konekta ang mga ito.

Pagkatapos, sa SM Calamba naman kamisunod na pumunta. Woah! Yaan ang una kong nasambit, ang daming tao kasi! Sa SMSta. Mesa naman at sa SM Marilao na madalas kong pumuntahan hindi ganoongmarami ang tao. Grabe talaga hahaha. Nakakalula sa dami ng tao. Sari-sari angmakikita mo roon- bata, matanda, estudyante, trabahador at iba pa. ‘Yung ibanaman lakad lang nang lakad puro window shopping ang ginagawa (napapagod nga kong tignan sila eh). ‘Yung dami ngtao matatagpuan sa food court, bingo at sa mga palaruan tulad ng Tom’s World.Sa mga tindahan naman na makikita roon, ‘yung normal lang din na tindahan namakikita sa mga SM, may mga mahal na tindahan may mura naman ganoon din sa mgakainan. Halos lahat ng kailangan mo makikita mo SM kumpara sa Paseo, kaya nga “we’vegot it all for you!” ang slogan ng SM hindi ba? ‘Yung cultural commodities saSM ay ‘yung mga tinitinda roon. ‘Yung mga na-eempower sa tingin ko ay yung masasiyempre tapos tingin ko wala namang na-mamarginalized sa SM eh kasi ang SMpara sa lahat ng uri ng tao- mapa-mayaman, mapa-mahirap o katamtaman.Kapitalismo rin ‘yung naratibong umuusbong dito dahil nga sa pagkonsumo atpagbili ng mga produkto.

Natapos na ang isang buong araw nangpagkatapos sa SM Calamba, bale dumiresto na kami sa CEC sa loob mismo ng UPLBpara magpahinga. Okay naman ‘yung tinirahan namin kaso nga lang noong unanggabi pinatay ‘yung generator kaya sobrang init at nahirapan din kami sapagtulog. Pero noong ikalawang gabi naman hindi na pinatay ‘yung generator. Anopa ba? Nako doon nagtakutan haha, may multo raw kasi eh, hindi ko alam kungtotoo kasi hindi naman ako nakakakita, nakakaramdam oo. Pero ‘yun nga may mganakita raw sila. Hay nako, basta ako mas takot ako sa buhay no! At saka kapagmay pananampalataya sa Diyos, hindi ka naman mapapano eh.

Dito sa bahaging ito, ‘yung aerobics naman ang ikekwento ko. Sa SM Calamba, may aerobics ng bandang ala-sais ng gabisa may atrium. Sabi ng nakausap ko roon, resibo ang ipapakita mo sa may opisanang SM dapat ‘yung resibo ay may halaga ng anim na daang piso na pinamili momula sa hypermarket/ grocery ng SM at sa food court. Tapos ‘yun pwede ka nangmag-aerobics nang isang buwan. Tatlong beses sa isang linggo raw ito ginagawa(Lunes, Miyerkules at Biyernes) at color-coded sila. Biyernes nun kaya nakaputiang suot na pang itaas nila tapos ‘yung pangbaba ay shorts, leggings at joggingpants, tapos rubber shoes siyempre. Lalaki ang nagtuturo ng mismong ehersisyoat sabi ng aming propesor (dahil nagturo na rin siya roon), limang daang pisolamang bawat session ang kinikita nang nagtuturo roon; masasabing maliit ngadahil anim na daang piso bawat kasali eh tapos limang daan lang sa nagtuturo. ‘Yungmga kantang ginamit ay puro mga bagong kanta-modernong kanta (may Super Bassnga ni Nicki Minaj eh, nakalimutan ko na ‘yung ibang kanta). ‘Yung mga galawnaman ayos lang, parang sayaw nga lang, sabi ko nga eh “iyong nagtuturo siguronaglalaro ng xBox kasi ‘yung mga galaw niya katulad din sa xBox na larong JustDance at Dance Central eh. Haha. ‘Yung mga kasali ay puro babae na matatandarin hindi naman gaanong matatanda. May lalaki rin pero dalawa lang. Tapos mayisang bakla yata iyon, galing niya! Grabe lambot nang katawan. Napansin ko rinna ‘yung mga kahilera nung nagtuturo sa may stage ay ‘yung malalambot angkatawan at alam na ‘yung mga galaw. Samantala ‘yung mga natitira ay hindi pagaano maalam sa mga galaw. Tapos sa UP LB, sa may Baker Hall, ala sais naman ngumaga naganap at tuwing umaga raw iyon. Mas maraming kalahok- may mga bata,matanda, lalaki, babae. Pero mas marami pa rin ang babae. ‘Yung mga kanta masluma tapos random lamang ‘yung mga kanta. Mas mahihirap ‘yung galaw. Mas maramiring nagtuturo. Kahit anong oras pwede sumali ‘yung may gusto mag-aerobics,libre, walang bayad. Wala ring uniform o color-coding basta pwede nang pangehersisyo na damit eh di go lang! May iba na may suot na t-shirt at nakasulatay “Community Aerobics-Baker Hall”. Sa aerobics, tingin ko ang culturalcommodity ay ‘yung mismong pag eehersisyo. Lahat nang nais gumanda angpangangatawan at nais maging malusog ‘yung na-eempower. Napansin ko rin na angpulitika ng katawan ang dominanteng naratibo rito. Siyempre ‘yung mga nagtuturomalusog at maganda ang pangangatawan tapos nais siyempre ng mga kasali namatulad din sa mga ito hindi ba?

Sa ikalawang araw, pagkatapos naminmanood ng aerobics kumain muna kami ng almusal tapos pumunta sa Sta. Cruz, samay kapitolyo- sa mansyon ng gobernador. Lahat halos tulog sa bus-tahimiktalaga! Kung ano ‘yung kinagulo ng iba noong unang araw sa bus, kinatahimiknaman noong ikalawang araw, pagod nga kasi dahil walang mga tulog hahaha. Ayunnga pagbaba namin, pinadiretso kami sa isang kwarto na may mahabang mesa taposmay mikropono-salang meeting room yata iyon (aliw na aliw nga ako roon ehwahaha). Tapos pinakain kami. Masarap naman ‘yung pagkain- menudo, manok na maysarsa, inihaw na liempo, spaghetti, kanin, pakwan, salad, leche flan yata ‘yunghanda tapos may buko juice (sarap nomnom!) Pagkatapos kumain pinapunta na kamisa opisina ni Gov. ER Ejercito (oo si Asiong!). Tapos ‘yun nagkwento-kwentosila, nanood din kami, matagal din kami roon halos tatlong oras na yata.Binigyan din niya kami ng souvenir- isang envelope na may lamang pelikula atvideos pati mga magasin at iba pang papel. Tapos bago umalis, nagkuha muna kaming mga litrato. ‘Yung cultural commodities na napansin ko roon ay una ‘yungpagbida niya sa Laguna (LSS nga ako roon sa “La-La-Laguna” hahaha). Tapos patisiya mismong pulitiko at pamilya niya. Bidang-bida talaga ang Laguna pati ‘yungmga nagawa na niya sa bayang iyon. Sabi nga ng mga kaklase ko, nag-SOLA raw siya- State of Laguna Address. Pulitiko eh siyempre sanay naman na tayong lahatdoon hindi ba? Pero kasi kanina sa klase namin sa TREDFOR, may isang grupo na nagdalang street family tapos na-relocate sila sa Biñan, Laguna pero mas pinili nilana rito na sa Maynila dahil walang hanapbuhay sa Laguna. Naisip ko roon, grabemakapag-bida ng mga nagawa niya pero parang drawing naman lahat knowing na mayisang taga-Laguna na naging street family na hindi nabigyan ng tulong.Nakakaawa kasi si Ate ‘yung nagkekwento. Sinubukan na nila humingi ng tulongpero wala pa rin. Ang akin lang naman, o sige may mga nagawa ka, sige gumandasiguro ‘yung bayan na pinamumunuan mo, pero sana huwag mong gawingpangkalahatan (mga pulitiko nga naman, tsk!). Siyempre ‘yung na-eempower siyamismong gobernador pati pamilya niya pati mga pulitiko at mga taongnabibiyayaan ng tulong niya pati Laguna kasi sumisikat. May mgana-mamarginalize rin hindi naman nawawala ‘yun eh. ‘Yung dominanteng naratibongnakita ko ay ‘yung konsepto ng rehiyonalismo, pinakita ng gobernador na tila bahindi nila kailangan ang tulong ng nasyonal na pamalahaan at kayang-kaya nanila lahat nang solo. Tapos kapitalismo siyempre nagiging sikat na lugar na angLaguna-maraming turista, maraming kita hindi ba? Tingin ko may kontra rito ehat sa susunod na bahagi ko ‘yun babanggitin.

Pagkatapos doon sa kapitolyo (sa wakas)nagpunta kami sa Liliw. Nalungkot nga ako eh kasi halos walang isang oras ‘yungbinigay sa amin para makapag libot eh, sabi ko pa mamimili ako kaso wala isangpares lang ang nabili ko at ‘yung flute ng aking kapatid. Mahilig kasi ako sasapatos (maliban sa damit, bags at pagkain), eh sabi sa amin na ang Liliw rawmaraming magagandang sapatos tapos mura pa oh di ba? Tipid pa roon. Aliw naaliw talaga ako, pakiramdam ko nasa paraiso ako tapos puro sapatos hahaha! Ikotako nang ikot, hanap dito, hanap doon, sukat dito, sukat doon dagdag mo pa ‘yungpagtatanong ko. Noong nakita ko nga ang Liliw sabi ko parang Vigan ito no? Kasiisang kalsada na puro bilihan lang eh, yun nga lang puro sapatos. Tapos maynakausap ako, sabi niya sila raw gumagawa na ng sapatos ‘yung lolo pa noyatapos ‘yun napasa-pasa na lang sa mga sumunod na henerasyon, sabi pa niya muraraw kapag sariling gawa ‘yung mga sapatos at ‘yung mismong pabrika ay sa bahaymismo; mahal ‘yung iba kasi hindi sila ‘yung mismong gumagawa pero kaunti langdin ‘yung tubo na nakukuha nila. Sabi pa niya na maraming tao roon tuwingSabado at Linggo at tuwing holidays, minsan daw malakas ang benta minsan namanmahina raw. Tinanong ko nga siya kung matibay ba ‘yung sandals sabi ko kasibaka maputol sabi niya hindi ah. Mas marami pa rin siyempre ‘yung mgapambabaeng sapatos kumpara sa panlalaki. May mga sale rin naman. ‘Yung culturalcommodities ay ‘yung mismong kultura nila na paggawa ng sapatos at pagtinda ngtalaba (yata iyon) tapos ‘yung mga produkto nila mismo. Katutubo pa nga anglugar na iyon kumpara sa Paseo at SM. ‘Yung mga na-eempower doon ay ‘yung mgataga-roon mismo kasi napapansin ‘yung kultura nila at ‘yung mga gawain nila.Pagdating naman sa na-mamarginalize, tingin ko wala naman kahit ‘yung mgaturista kasi talagang mainit ‘yung pagtanggap nila eh. ‘Yung dominantengnaratibo ay ‘yung pagiging katutubo nung mismong lugar, may kapitalismo rinpero kumpara sa kapitalismo sa Paseo at SM, laban na kapitalismo nga ito eh.Noong namili kasi ako walang resibo eh ang pagkakaalam ko kapag walang resiboay underground ang negosyo kasi ‘yung kita nila hindi naman napupunta sagobyerno eh, sa mismong mga negosyante agad. Hindi naman ako laban dito lalo nasa mga ganitong probinsya siyempre ‘yung mga tao sa probinsya ‘yun lang naman ‘yungparaan ng hanapbuhay nila eh kukuhanan mo ba pa sila? Nakakaawa rin kasi. Kayaokay lang na ganoon. Tingin ko ‘yung kultura sa Liliw, hindi siya gawa-gawalang eh, tingin ko may pangkasaysayang ugat na ito gaya nga ng sabi ng nakausapko.

Pagkatapos sa Liliw, bumalik na kami saUPLB sa aming dorm para naman sa isang conference. Tatlo ‘yung may nagsalitaroon at lahat sila ay mga propesyunal siyempre kultura at pulitika ‘yungpinag-usapan. Marami rin akong natutunan tulad ng mga sumusunod: ang kultura ayhindi simpleng sining, at music ito ay ang mismong pamumuhay ng mga taga-roonsa lugar na iyon; ang ibang industriya ay nagsimula bilang cottage industryhindi bilang produkto agad at dahil lang sa commerce kaya nagbago ang lahat;may iba’t-ibang bahagi ang kultura-cognitive, normative at connative; angprodukto ay maaari maging regalo o produkto talaga; tapos ‘yung doon sa mgalugar na sobrang mahal tila ba pinagdadamot na ipakita sa mga tao ang kultura namayroon sila, na dapat pang-masa ang kultura; tapos pati ‘yung papel ng babaedahil dun sa isang kanta-Sabon ang pamagat na kung ang babae ba ay katulong odekorasyon lang siyempre hindi no; tapos ‘yung sa anime ng Japan.

Pagkatapos noong conference, gabi na kaya pinakain na kami ng hapunan at sa labas kami ng UPLB kumain para rinmaobserbahan ang night life sa lugar na iyon. Aaminin ko natakot ako-takot kasiakong lumalabas sa gabi at saka taong-bahay din ako, pakiramdam ko kasidelikado eh. Saka sa mga nababalitaan ko sa UPLB raw maraming nagagahasa tapospinapatay eh di sobrang takot ko talaga non! Tapos ang nakakagulat may mganakita kaming mga pares na nag-PPDA. Haha. Kaya nga yata uso ang fertilitytrees roon! Nako. Noong palabas, parangnag-hire kami ng isang jeepney! Paano kaming mga magkakasama lang sa field tripang nakasakay. Nakakatuwa nga eh, pero hindi lahat kasama namin.Nakapag-bonding kami. Kantahan, tawanan at kwentuhan habang nasa biyahe. Taposnoong nakababa na kami ng Crossing, ayun kanya-kanyang pili na kami ng lugar napagkakainan. Bale ang kasama ko lang noon sina Marjo at Rai kumain kami saJollibee (kaso hinahanap ko ‘yung spicy chicken nila!) pagkatapos namin kumainnapag-usapan naming maglibot at mamili. Eto nangyari ‘yung isang bagay nasobrang nagpakaba sa akin. Kakatawid lamang namin noon, tapos may lalakingtricyle driver yata ‘yun biglang nagtanong na “kolehiyala ba kayo?” (sabayngiting aso) kinabahan na ako noon kaya nagsenyas ako kina Rai at Marjo natabi-tabi lang kami, tapos siyempre nilabas ko na ‘yung bagay na maaari kongipanlaban (lagi kong dala) para kung sakaling hindi kami tantanan nung lalaki,makakalaban ako/ kami, napansin kong sumunod pa siya sa amin nun kaya nagmadalikami tapos ang ginawa namin tumigil kami sa isang lugar na maraming tao malapitna rin sa Town kahit papaano ligtas kami at hinanap naman ‘yung iba namingkasama. Nakita namin sila. Noong nakita namin sila, sabi namin nina Marjo atRai una na kami kasi pagod na kami. Naglakad kami kasi naghahanap ako ng penoytapos tubig, ayun, may nakausap kaming nagtitinda ng balot sabi niya may ngabeer house at club doon malapit sa UPLB tapos sa may crossing at madalas tuwingHuwebes at Biyernes masigla ang lugar kasi pagdating daw ng Sabado nag-uuwian ‘yungmga estudyante sa sari-sarili nilang tahanan, sabi niya alas-onse nang gabihanggang alas-tres nang madaling araw puno raw ang mga beer houses at clubs.May nakita nga kami habang pauwi kami sa dorm noon. Kung ikukumpara ng sa mayTaft, masigla sa Taft as in party-party talaga, hindi kagaya roon na medyotahimik at payapa pa. Marami ring tindahan at kainan, may supermarket din, mgafast food chains, fine dining at iba pa. Marami ring mga taong grasa akongnapansin. Tapos ‘ayun umuwi na kami sa dorm at nagpahinga. Nga pala wala akonglitrato para sa night life, hindi na kasi kami nagdala ng camera eh, pera atcellphone lang dala namin natakot nga kasi kami haha!

Kinaumagahan maaga akong nagising at niyaya ko si Marjo na mamasyal. Umikot kami ng UPLB (pangarap ko kasingmag-aral sa UP eh kaso mas madali nga makatapos sa DLSU), noong pabalik na kam isumakay kami sa may unahan ng jeepney at ang saya ko kasi unang beses kongsumakay sa harapang bahagi ng jeepney. Nakipag-usap din kami sa driver medyomay katandaan na siya at ang kwento niya trentang taon na siyang jeepney driverdoon sa UPLB, minsan mahina raw ang kita, hindi pa niya nasusubukang mag-iba ngruta tapos may samahan din pala silang mga driver doon sa UPLB. Tapos noon,pagbalik namin, nagkaroon ng kami ng huling diskusyon at nag-uwian na.

Ano pa bang kakaiba sa lakbay-aral na ito? Ah walang aircon 'yung tinirhan namin dahil nga may sumabog daw na electrical post okay naman naunawaan ko naman iyon pati 'yung pagpapatay ng kuryente ng bandang alas-dose. Hm, aaminin ko nahirapan ako matulog non, ay hindi pala sadyang namamahay lang ako at saka sabi kasi ng magulang ko huwag masyadong kampante sa mga lugar kaya yon. Tapos nagkaroon din ng isyu sa mga multo multo. Hay nako kaya ayon puro takutan sila. Naniniwala ako sa multo kasi nakakaramdam ako saka naranasan ko na rin makakita, pero sa pagkakataon ito kasi bigla na lang nila inopen up 'yung sa multo eh, pakiramdam ko tuloy na sinadya yoon para obserbahan kung paano mag-rereact ang mga LaSalyano sa ganoong sitwasyon. Hala ayon nga ang reaction siyempre takot sila-marami sa mga kaklase ko pero ako keep calm and keme lang ang nangyari. 

Haaay, masarap talaga sa probinsya! Daming nakikita! Magagandang tanawin, sariling produkto, kultura ng mganakatira roon, masasarap na pagkain, preskong hangin, malayo sa Maynila, walangstress at hindi mabilis ang oras. Para sa akin sobrang halaga na maglibot atmanatili sa mga lugar sa sarili mong bayan upang mas makilala mo ang sarilingiyo hindi ba? Maganda ang Pilipinas! Mayaman tayo sa mga tanawin at sa kulturasiyempre! Sa paglibot mo sa bawat bahagi ng Pilipinas masisilayan mo anggandang taglay nito at ang galing ng mga Pilipino.




Para sa mas marami at detalyadong larawan, maaari mong bisitahin ang site na ito: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.547462741950965.1073741825.100000617333661&type=3