Minamasdan ka nila, tinititigan nang hindi mo alam; ‘yung iba pinapangarap na maging ikaw, ‘yung iba naman ayaw sa iyo.
Ano ba
naramdaman ko noong ginagawa ang exercise na ‘yun? Noong ako ‘yung
pinagmamasdan o inoobserbahan, hindi ako kumportable. Hindi kasi ako sana na
minamasdan talaga, ayaw ko nga na tinititigan ako eh, nakakabastos kasi minsan.
Eh wala naman akong magagawa kasi bahagi nga ng exercise ‘yun. Maliban sa hindi
ako kumportable, siyempre napapaisip din ako na “hala ano kaya isusulat niya?”
Tanggap ko naman kung positibo o negatibo ‘yung mga ilalagay niya. Tapos sa
bawat tingin ng kapareha ko sa akin, nararamdaman ko na parang wala akong
kapangyarihan- parang bagay lang ako para sa kanya ganoon; ‘yung para bang wala
akong laban sa kung anuman ‘yung sasabihin niya ukol sa akin. Sa katunayan, ako
kasi ‘yung tipo ng tao na wala talagang pakialam sa sasabihin ng iba, ewan ko
ayaw ko lang pansinin kasi sasakit lang ulo ko; hindi rin naman ako ipinanganak
para suyuin lahat ng tao eh. Gusto ko kasi kung ano ‘yung nakikita nila sa
akin, ‘yun na ‘yun. Susunod, noong ako naman ‘yung nagmamasid o nagoobserba
doon sa kaparehas ko, medyo naiilang ako kasi nga hindi kami ganoong
magkakilala. Nahihirapan akong ilarawan siya siyempre kasi ayaw ko naman maging
mapanghusga ‘yung dating ko. Siyempre nandoon ‘yung pakiramdam na mayroon akong
kapangyarihan na suriin ‘yung pagkatao nang kaparehas ko.
Binasa
ng aming propesor ‘yung ibang papel at isa ako roon sa mga nailarawan. Ang
natatandaan kong pagkalarawan sa akin ay: “naka-pony tail madalas; simple
manamit; ‘yung mga kagamitan ko ay branded; masungit tignan kaya dapat mas
makilala pa; time-conscious; studious; sa pagiging abala sa pag-aaral, paano
kaya siya sa isang romantikong relasyon” Ano ba masasabi ko ukol sa
paglalarawan sa akin? Doon sa nakapony tail, bihira lang talaga ako mag-ipit ng
buhok kapag nasa school nagkataon lang na sobrang init kanina kaya nakaipit
ako; sa simple manamit, ‘yung sinusuot ko kasi binabagay ko sa pupuntahan ko at
saka gusto ko makakagalaw ako nang maayos- ‘yung kumportable ba ganoon; sa
branded na gamit-hm, oo maarte ako kapag dating sa gamit, gusto ko lahat may
tatak inaamin ko naman na brand-conscious kasi ako; doon sa masungit, ay nako
wala ng bago madalas ‘yan ang unang impresyon sa akin- masungit, mataray,
suplada, alam ko at tanggap ko ‘yun, sa katunayan, masungit talaga ako lalo na
kapag ayaw ko doon sa tao pero kapag gusto ko siya na maging kaibigan hindi
naman ako nagsusungit, maldita lang talaga; tapos doon sa pag-aaral at
time-conscious at relationship, binibigyang importansya ko ang pag-aaral ko
talaga subsob kung subsob siyempre ayaw ko naman na mapunta lang sa wala ‘yung
pag-aaral ko kasi naman sayang ‘yung pera ng lola at magulang ko di ba? Ma-oras
talaga akong tao, lahat ng kilos ko de-oras. Sa romantikong relasyon,
nakakatawa ‘yan kasi kapag sasabihin kong nasa isang romantikong relasyon ako
ayaw maniwala ng iba kasi raw parang wala akong oras sa ganoon, pero mayroon
talaga, malapit nang magtatlong taon, kaya ko pa naman i-balanse ang oras ko sa
iba’t ibang bagay.
Binanggit
ng aming propesor na tayong mga tao ay isang cultural production. Nararanasan
ng bawat isa sa atin na mahusgahan at manghusga. Sa exercise na ito, natutunan
ko na mas ayos pala na hindi mo alam na minamasdan ka tapos tinitimbang ka-‘yung
unconscious ka, mas okay ‘yun kasi nakakailang lalo kapag alam mo eh. Ako kasi
mahilig akong magdekonstruksyon ng ibang tao- wala lang gusto ko lang
pag-isipin ang sarili ko. Siyempre naroon na may negatibo at positibo akong
pagtingin sa taong dinedekonstruksyon ko.
Kapag ikaw ‘yung nagmamasid at tumitimbang doon sa tao, mas makapangyarihan ka (base sa pakiramdam mo), pero kapag ikaw ‘yung pinagmamasdan at tiniimbang, pakiramdam mo ang baba o isa kang bagay.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento