Manahan sa lugar ng kapayapaan

on Lunes, Marso 25, 2013

Lupang hati-hati, pag-isahin natin muli!

Noong nakaraang Marso 14, 2013 (Huwebes)ako ay lumiban sa klase dahil sa field trip ko para sa isa kong klase, MINDEVT.Pumunta kami sa Cotabato, oo sa may Mindanao 'yun. Bale apat na araw din kamidoon-Marso 14 hanggang Marso 17,2013. Hindi namin nasunod ang aming itinerarydahil nadelay ang aming flight.

Ang Unang Araw...
Nakarating kami sa Awang (airport saCotabato) pasado ala-una na ng hapon, may sumundo na sa amin na shuttle, kumainmuna kami pagkatapos pumunta na kami sa El Manuel Hotel upang maayos ang amingmga gamit at makapag-ayos ng aming mga sarili. Pagkatapos, pumunta kami saPeople’s Palace. Tinawag daw itong People’s Palace dahil pera ng mga tao roonang ginamit upang magawa ang lugar na iyon, purong pera lang nila. Doon saPeople’s Palace, nakausap namin ang ibang opisyales doon. Tapos mula roonnagpunta kami sa may ARMM Complex upang makita ang Office of the RegionalGovernor ng ARMM pati na rin ang Regional Legislative Assembly. Nagikot-ikotkami sa complex na iyon. Nakita namin kung paano ginagawa ang isang session saRLA. Tila ba kongreso rin, kaya nga little congress ang tawag sa RLA sa ARMM.Sa executive lounge kami ng RLA pinaghapunan at nagkaroon din ng forum o talk.Bago tuluyang matapos ang unang araw namin doon, nag-courtesy call kami saRegional Vice-Governor. Saglit lang iyon dahil gabi na rin. Pagkatapos noon,umuwi na kami pabalik sa hotel upang magpahinga.

Ang Ikalawang Araw...

Ang una naming pinuntahan ay angInstitute of Bangsamoro Studies upang makausap si Abhoud Lingga. Pagkatapospumunta kami sa Regional Planning and Development Office para malaman ang mgaupdate at news ukol sa ARMM. Noong bandang tanghali naman nagpunta kami saInstitute for Autonomy and Governance, Inc para makausap naman si Fr. JunMercado. Pagkatapos ng workshop/ seminar kay Fr. Mercado, nag-ikot kami saNorte Dame University (NDU).Sunod dito ay pumunta na kami sa Jehan Hall para saisang forum ukol sa peace and development sa nasabing rehiyon. Nandoon angiba’t ibang ahensiya at mga opisyales. Nagkaroon din ng isang culturalpresentation roon, yung mga native na sayaw yung prinesent nila. Napaka-makulayng mga damit nila, nakaaliw din yung tunog ng mga instrumento. May iba ringnag-subok na sumayaw ng Singkil- yung may kawayan. Haha. Nakakaaliw talaga.Doon na rin kami naghapunan. Hindi pa natapos ang ikalawang araw na iyonnakausap pa namin ang current Vice Mayor ng Cotabato City at ang Chairman ngCentral Committee ng MNLF na si Datu Muslimin Sema. Pinag-usapan namin angnangyayari ngayon sa MNLF pati na rin ang stand nila doon sa FrameworkAgreement on the Bangsamoro. Napag-alaman namin na hindi sila naging bahagi ngframework na iyon. Ang mahalaga para sa kanila ay magkaroon ng autonomy. Nagingmakabuluhan ang naging diskusyon namin subalit masyado na kasing gabi kayanagpagdesisyunan na umuwi na lang sa hotel.

Ang Ikatlong Araw...

Ito ‘yung araw na dapat pupunta kami sasite kung saan naganap ang Maguindanao Massare at pupunta raw dapat doon sabahay nina Ampatuan, pero hindi natuloy, at sobrang ikinalungkot ko talagaiyon, kasi sa pagpunta namin mismo sa mga lugar na yon makikita namin anginjustice na naranasan ng mga biktima pero wala eh hindi natuloy (dahil dawhindi safe, delikado, walang oras at kung ano-ano pang dahilan). Kaya namanbilang kapalit ng naudlot na pagpunta sa mga nasabing lugar, pumunta na lamangkami sa may Kabuntalan, Maguindanao (at mula sana sa lugar na ito ay 15-20minutes na lang papunta sa site ng massacre). Doon sa Kabuntalan, mayroongkampo roon ng mga sundalo. Nagikot lamang kami sa lugar na iyon at sumakay ngairboat. Umalis na rin kami roon tapos nag-ikot sa Kabuntalan, nakita naminroon ang mga proyekto ng pamahalaan doon. Yung mga bahay roon ay medyo maykataasan-may bamboo stilts kasi raw bahain doon kaya kailangan mataas talagaang kinalalagyan ng mga bahay nila. Pinakita rin sa amin ang mga pinagkukuhanannila ng tubig. Nagpunta rin kami sa isang community mini library- nakita namindoon yung mga produktong nililikha nila gawa sa water hyacinth o water lily.Nagpunta rin kami sa burnayan doon o weaving, ang gaganda ng mga produktongna-weave nila, ang ganda ng bawat hibla ng sinulid at isa pa bawat disenyo nawineave pala ay may istorya. Bandang tanghali ay pumunta kami sa Grand Mosque.WOW, yaan talaga ang una kong nasabi, ang ganda kasi at ang lawak ng lugar.Unang beses ko kasi makalapit sa isang mosque madalas nakikita ko lang. Peroang ganda pala talaga. Simple lang yung loob ng mosque pero maganda at eleganteang dating. Pagkagaling doon, pumunta kami sa isang kainan upang mananghalian.Pagkatapos ay pumunta kami sa bahay ni Datu Ismael Dustin Mastura na isang LaSallian rin at Political Science rin ang naging kurso. Ngayon siya ay angVice-Governor ng Maguindanao. Nag-kwento siya ukol sa pulitika sa Maguindanao.Pagkatapos ay nagcity tour na lang kami (kakaibang city tour dahil sa kotselang kami wala raw kasing oras para bumaba pa kaya hanggang tingin na lang kamioha saan kayo nakakita ng tour na ganoon di ba?) Binigyan lang kami ng langminuto para mamili sa barter trade, imbes na oras minuto lang (dahil gahol nanaman daw sa oras), kaya nakakawalang gana tuloy na umikot eh ay nako talaga,hindi ko tuloy nabili yung mga binilin sa akin. Bumalik din kami sa hotel upangmakapagpahinga tapos umalis kami at nagkaroon ng talk kasama ang mga IndigenousPeople (IPs) pinangunahan ito ni Assy. Deonato Mokudef. Kumain muna kami doon,medyo maingay doon sa lugar kasi parang KTv bar siya pero tolerable naman yungingay. Nagkaroon din ng forum doon lalo na sa isyu ng mining, tutol sila sa miningkasi para sa kanila hindi ang industriya ng mining ang tutulong sa pag-unlad ngbuhay ng mga IP doon mas nais nila yung mga makalumang industriyang nakasanayannila kasi kahit papaano hindi raw nakakaroon ng negatibong karanasan at dahilkasi sa mining at logging nasisira yung kapaligiran nila. Naungkat din ang isyung pagkakaroon ng responsible mining at logging pero para sa kanila hindi itoposible. Naniniwala rin sila na magaganda ang mga batas ukol sa mga nabanggitng mga isyu pero kasi hindi naiimplement ang mga batas na ito. Pagkatapos ngusapan at umuwi na rin kami sa hotel.

Ang Huling Araw ...

Wala namang gaanong naging remarkable nanangyari sa huling araw. Nag-ayos ayos lang kami ng aming mga gamit. Binigyankami ng paperbag ni Sir Benjie (bahagi siya ng South Central Mindanao TouristCouncil) bilang token nila sa amin tapos ang nakasulat pa roon sa paperbag ayCotabato City: City of Peace. Bago kami lumisan sa hotel, napagpasayahan naminnina Rai at Marjo na pumunta roon sa Convention tapos may nagaganap palangkasal, naaliw ako kasi unang beses ko makasaksi ng kasalan sa ganoong lugar-makulay din ang mga kasuotan nila tapos wala doon yung babae/bride, tanging anglalaki/groom lang nandoon at ang mga magulang nila. Lumisan na rin kami nghotel tapos iniintay ang flight namin, at delayed na naman ito pasado alas-tresna kami ng hapon nakarating sa Manila.

Sa kabuuan ...

Nag-enjoy ako sa field trip na ito. Ditoko napatunayan na hindi naman dapat ikatakot ng mga tao ang pumunta sa Mindanaoeh. Mababait din ang mga tao. Marahil, masyado lang nabulag ang karamihan saatin dala nga ng media kaya maraming natatakot na pumunta roon. Pero kasimahirap ding mag-generalize na nakakatakot ang isang lugar tapos hindi mo panapupuntahan, baka kasi manghusga dapat magkaroon ka muna ng first-handexperience sa lugar. Maliban pa rito, nakakatuwa na naranasan ko makipag-usapsa mga taong nandoon at yung mga pagtingin nila sa mga isyung pinupukol sakanila, kahit papaano ay nalaman ko ang dalawang bahagi ng kwento. Marami akongbagay na natutunan, nalaman ko rin ang realidad sa lugar na iyon. Sayang ngalang at hindi kami gaanong nakapaglibot eh, umiyak nga talaga ako noon kasihindi kami nakapunta doon sa mga lugar na tinatampok sa news, nakakahinayangkasi (kaya huwag dapat magsama ng mga taong KJ at immature eh, bato-bato sa langit,tamaan huwag magalit), nandoon ka na at lahat eh pero dahil sa kanila hindituloy namin naranasan mapadpad sa mga lugar na iyon. Ako na mismo angmagpapatunay na hindi dapat katakutan ang lugar ng Mindanao, dapat nga aybisitahin ito eh, mas malalaman mo yung kakaibang kultura at pulitika sa lugarna ito. Babalik uli ako roon pangako.


Para sa mas maraming at detalyadong larawan, maaari mong bisitahin ang site na ito: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.554228741274365.1073741826.100000617333661&type=1 at https://www.facebook.com/media/set/?set=a.554726324557940.1073741828.100000617333661&type=3


0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento