Halika, biyahe tayo! (Paper I/ Fourth Critical Commentary:Analysis on CulturalSpaces)

on Lunes, Marso 4, 2013


Nakapagmaneho ka na ba sa mga bayan sabaybay ng buong Laguna de Bay?


Ako? Hm, oo! Nakapasyal ako sa mga pilingbayan sa Laguna. Nagkaroon kami ng lakbay aralin noong Marso 1 hanggang Marso 3ng kasalukuyang taon. Ang mga pinuntahan namin ay ang Paseo de Sta. Rosa, SMCalamba, UP Los Baños, Sta. Cruz at Liliw. Sa may CEC na dorm kami sa loob ngUPLB kami nanirahan. Dapat ay pupunta kami sa Pagsanjan doon sa may Bangkerofestival pero hindi na kami natuloy eh . Hindi ko rin alam kung bakit. Sa blogentry kong eto, magsasalaysay ako nang mga ginawa namin noong lakbay-aral.Kumuha rin ako litrato. Hindi 'yun pwede mawala. Naniniwala kasi ako na ang mgalitrato ang magpapaalala ng mga memorya. Kahit na umalis na ako sa lugar naiyon, sa pamamagitan ng mga litrato masasariwa ko pa rin ang kagandahan ng lugarat 'yung mga ginawa ko roon!

Halos pasado alas-dose na kami umalis ng DLSU. Unang destinasyon namin ay ang Paseo de Sta. Rosa. Nang masilayan ko angPaseo, naalala ko ang Bonifacio High Street dahil pareho sila ng ayos-Americanstyle kumbaga. Nasa open space, hindi air-conditioned. Pero mas nagagandahanako sa BHS, hindi pa kasi kumpleto 'yung mga tindahan sa Paseo eh. Marami pangkulang eh. Tapos, sa Paseo habang naglilibot kami akala ko puro pangsosyal/mayayaman lang 'yung tindahan pati kainan hindi pala. Dahil sa maykaliwang bahagi may matatagpuang fastfood chains, general merchandise na muraang mga bilihin, pati carinderia. Makikita mo agad dito 'yung social divide sakanan 'yung pangmayayaman, sa kaliwa 'yung pang katamtaman. Sa Paseo makikitana sinusubukang tanggalin ang social divide at pagsasama 'yung lahat ng antasng tao sa lipunan. Pero hindi pa rin eh. Kasi siyempre ang mayayaman hindipupunta sa lugar ng mga pangkatamtaman o hindi sinwerte dahil hindi silakumportable at pakiramdam nila delikado. Ang mga hindi naman mayayaman hindipupunta sa lugar ng mga mayayaman dahil may pakiramdam na hindi sila para doon.Nang maglibot kami sa Paseo kaunti lamang ang mga tao dahil patay o alanganinang oras pero sabi nang mga nakausap ko marami raw ang pumupunta roon tuwingBiyernes ng gabi hanggang Linggo. Malapit daw ito sa Technopark at Nuvali.Kumpara sa Paseo, mas maraming tao raw ang pumunta sa Nuvali. Mas marami rinang mga taong tubong Laguna na pumupunta roon kaysa sa mga dayo. Tapos ‘yun ngamay mga tindahang pang-mayayaman mayroon ding mura. Kaunti lamang ang mga taosa tindahan ng mga damit maraming tao sa mga kainan. May mga dayuhan din akong nakita (Koreano atAmerikano). Nalaman ko rin na ang mga tindahan roon tulad ng Bench, Nike at ibapa ay mas mura ang tinitinda kumpara sa mga malls dahil nga outlet stores angmga ito. Tapos din doon kailangan nakakotse ka pag punta mo kasi ang hirapkapag commute at kung pupunta ka roon may sadya ka talaga-mamili o kumain. Tinginko sa Paseo de Sta. Rosa ‘yung cultural commodities na binibili atginagawa rito ay ‘yung mga tindahan na matatagpuanroon, lugar mismo, mga taong pumupunta at ‘yung vibe ng lugar. ‘Yung mgana-eempower naman siyempre ‘yung mga taong mayayaman o may kaya ‘yungna-mamarginalized ay ‘yung mga mahihirap o mga taong hanggang libot na lang napaningin sa lugar. Sa tingin ko kapitalismo ang dominanteng naratibo sa lugarna ito. Ang makikitang lumalaban sa lugar na ito marahil ay ang pagkakaroon ngmga tindahan na pang-masa kahit na given naman na dapat ang Paseo ay isanghigh-end na lugar. Pinapakita na tila ba na kung may pang-mayaman, dapat maypang-mahirap din. Para bang magka-konekta ang mga ito.

Pagkatapos, sa SM Calamba naman kamisunod na pumunta. Woah! Yaan ang una kong nasambit, ang daming tao kasi! Sa SMSta. Mesa naman at sa SM Marilao na madalas kong pumuntahan hindi ganoongmarami ang tao. Grabe talaga hahaha. Nakakalula sa dami ng tao. Sari-sari angmakikita mo roon- bata, matanda, estudyante, trabahador at iba pa. ‘Yung ibanaman lakad lang nang lakad puro window shopping ang ginagawa (napapagod nga kong tignan sila eh). ‘Yung dami ngtao matatagpuan sa food court, bingo at sa mga palaruan tulad ng Tom’s World.Sa mga tindahan naman na makikita roon, ‘yung normal lang din na tindahan namakikita sa mga SM, may mga mahal na tindahan may mura naman ganoon din sa mgakainan. Halos lahat ng kailangan mo makikita mo SM kumpara sa Paseo, kaya nga “we’vegot it all for you!” ang slogan ng SM hindi ba? ‘Yung cultural commodities saSM ay ‘yung mga tinitinda roon. ‘Yung mga na-eempower sa tingin ko ay yung masasiyempre tapos tingin ko wala namang na-mamarginalized sa SM eh kasi ang SMpara sa lahat ng uri ng tao- mapa-mayaman, mapa-mahirap o katamtaman.Kapitalismo rin ‘yung naratibong umuusbong dito dahil nga sa pagkonsumo atpagbili ng mga produkto.

Natapos na ang isang buong araw nangpagkatapos sa SM Calamba, bale dumiresto na kami sa CEC sa loob mismo ng UPLBpara magpahinga. Okay naman ‘yung tinirahan namin kaso nga lang noong unanggabi pinatay ‘yung generator kaya sobrang init at nahirapan din kami sapagtulog. Pero noong ikalawang gabi naman hindi na pinatay ‘yung generator. Anopa ba? Nako doon nagtakutan haha, may multo raw kasi eh, hindi ko alam kungtotoo kasi hindi naman ako nakakakita, nakakaramdam oo. Pero ‘yun nga may mganakita raw sila. Hay nako, basta ako mas takot ako sa buhay no! At saka kapagmay pananampalataya sa Diyos, hindi ka naman mapapano eh.

Dito sa bahaging ito, ‘yung aerobics naman ang ikekwento ko. Sa SM Calamba, may aerobics ng bandang ala-sais ng gabisa may atrium. Sabi ng nakausap ko roon, resibo ang ipapakita mo sa may opisanang SM dapat ‘yung resibo ay may halaga ng anim na daang piso na pinamili momula sa hypermarket/ grocery ng SM at sa food court. Tapos ‘yun pwede ka nangmag-aerobics nang isang buwan. Tatlong beses sa isang linggo raw ito ginagawa(Lunes, Miyerkules at Biyernes) at color-coded sila. Biyernes nun kaya nakaputiang suot na pang itaas nila tapos ‘yung pangbaba ay shorts, leggings at joggingpants, tapos rubber shoes siyempre. Lalaki ang nagtuturo ng mismong ehersisyoat sabi ng aming propesor (dahil nagturo na rin siya roon), limang daang pisolamang bawat session ang kinikita nang nagtuturo roon; masasabing maliit ngadahil anim na daang piso bawat kasali eh tapos limang daan lang sa nagtuturo. ‘Yungmga kantang ginamit ay puro mga bagong kanta-modernong kanta (may Super Bassnga ni Nicki Minaj eh, nakalimutan ko na ‘yung ibang kanta). ‘Yung mga galawnaman ayos lang, parang sayaw nga lang, sabi ko nga eh “iyong nagtuturo siguronaglalaro ng xBox kasi ‘yung mga galaw niya katulad din sa xBox na larong JustDance at Dance Central eh. Haha. ‘Yung mga kasali ay puro babae na matatandarin hindi naman gaanong matatanda. May lalaki rin pero dalawa lang. Tapos mayisang bakla yata iyon, galing niya! Grabe lambot nang katawan. Napansin ko rinna ‘yung mga kahilera nung nagtuturo sa may stage ay ‘yung malalambot angkatawan at alam na ‘yung mga galaw. Samantala ‘yung mga natitira ay hindi pagaano maalam sa mga galaw. Tapos sa UP LB, sa may Baker Hall, ala sais naman ngumaga naganap at tuwing umaga raw iyon. Mas maraming kalahok- may mga bata,matanda, lalaki, babae. Pero mas marami pa rin ang babae. ‘Yung mga kanta masluma tapos random lamang ‘yung mga kanta. Mas mahihirap ‘yung galaw. Mas maramiring nagtuturo. Kahit anong oras pwede sumali ‘yung may gusto mag-aerobics,libre, walang bayad. Wala ring uniform o color-coding basta pwede nang pangehersisyo na damit eh di go lang! May iba na may suot na t-shirt at nakasulatay “Community Aerobics-Baker Hall”. Sa aerobics, tingin ko ang culturalcommodity ay ‘yung mismong pag eehersisyo. Lahat nang nais gumanda angpangangatawan at nais maging malusog ‘yung na-eempower. Napansin ko rin na angpulitika ng katawan ang dominanteng naratibo rito. Siyempre ‘yung mga nagtuturomalusog at maganda ang pangangatawan tapos nais siyempre ng mga kasali namatulad din sa mga ito hindi ba?

Sa ikalawang araw, pagkatapos naminmanood ng aerobics kumain muna kami ng almusal tapos pumunta sa Sta. Cruz, samay kapitolyo- sa mansyon ng gobernador. Lahat halos tulog sa bus-tahimiktalaga! Kung ano ‘yung kinagulo ng iba noong unang araw sa bus, kinatahimiknaman noong ikalawang araw, pagod nga kasi dahil walang mga tulog hahaha. Ayunnga pagbaba namin, pinadiretso kami sa isang kwarto na may mahabang mesa taposmay mikropono-salang meeting room yata iyon (aliw na aliw nga ako roon ehwahaha). Tapos pinakain kami. Masarap naman ‘yung pagkain- menudo, manok na maysarsa, inihaw na liempo, spaghetti, kanin, pakwan, salad, leche flan yata ‘yunghanda tapos may buko juice (sarap nomnom!) Pagkatapos kumain pinapunta na kamisa opisina ni Gov. ER Ejercito (oo si Asiong!). Tapos ‘yun nagkwento-kwentosila, nanood din kami, matagal din kami roon halos tatlong oras na yata.Binigyan din niya kami ng souvenir- isang envelope na may lamang pelikula atvideos pati mga magasin at iba pang papel. Tapos bago umalis, nagkuha muna kaming mga litrato. ‘Yung cultural commodities na napansin ko roon ay una ‘yungpagbida niya sa Laguna (LSS nga ako roon sa “La-La-Laguna” hahaha). Tapos patisiya mismong pulitiko at pamilya niya. Bidang-bida talaga ang Laguna pati ‘yungmga nagawa na niya sa bayang iyon. Sabi nga ng mga kaklase ko, nag-SOLA raw siya- State of Laguna Address. Pulitiko eh siyempre sanay naman na tayong lahatdoon hindi ba? Pero kasi kanina sa klase namin sa TREDFOR, may isang grupo na nagdalang street family tapos na-relocate sila sa Biñan, Laguna pero mas pinili nilana rito na sa Maynila dahil walang hanapbuhay sa Laguna. Naisip ko roon, grabemakapag-bida ng mga nagawa niya pero parang drawing naman lahat knowing na mayisang taga-Laguna na naging street family na hindi nabigyan ng tulong.Nakakaawa kasi si Ate ‘yung nagkekwento. Sinubukan na nila humingi ng tulongpero wala pa rin. Ang akin lang naman, o sige may mga nagawa ka, sige gumandasiguro ‘yung bayan na pinamumunuan mo, pero sana huwag mong gawingpangkalahatan (mga pulitiko nga naman, tsk!). Siyempre ‘yung na-eempower siyamismong gobernador pati pamilya niya pati mga pulitiko at mga taongnabibiyayaan ng tulong niya pati Laguna kasi sumisikat. May mgana-mamarginalize rin hindi naman nawawala ‘yun eh. ‘Yung dominanteng naratibongnakita ko ay ‘yung konsepto ng rehiyonalismo, pinakita ng gobernador na tila bahindi nila kailangan ang tulong ng nasyonal na pamalahaan at kayang-kaya nanila lahat nang solo. Tapos kapitalismo siyempre nagiging sikat na lugar na angLaguna-maraming turista, maraming kita hindi ba? Tingin ko may kontra rito ehat sa susunod na bahagi ko ‘yun babanggitin.

Pagkatapos doon sa kapitolyo (sa wakas)nagpunta kami sa Liliw. Nalungkot nga ako eh kasi halos walang isang oras ‘yungbinigay sa amin para makapag libot eh, sabi ko pa mamimili ako kaso wala isangpares lang ang nabili ko at ‘yung flute ng aking kapatid. Mahilig kasi ako sasapatos (maliban sa damit, bags at pagkain), eh sabi sa amin na ang Liliw rawmaraming magagandang sapatos tapos mura pa oh di ba? Tipid pa roon. Aliw naaliw talaga ako, pakiramdam ko nasa paraiso ako tapos puro sapatos hahaha! Ikotako nang ikot, hanap dito, hanap doon, sukat dito, sukat doon dagdag mo pa ‘yungpagtatanong ko. Noong nakita ko nga ang Liliw sabi ko parang Vigan ito no? Kasiisang kalsada na puro bilihan lang eh, yun nga lang puro sapatos. Tapos maynakausap ako, sabi niya sila raw gumagawa na ng sapatos ‘yung lolo pa noyatapos ‘yun napasa-pasa na lang sa mga sumunod na henerasyon, sabi pa niya muraraw kapag sariling gawa ‘yung mga sapatos at ‘yung mismong pabrika ay sa bahaymismo; mahal ‘yung iba kasi hindi sila ‘yung mismong gumagawa pero kaunti langdin ‘yung tubo na nakukuha nila. Sabi pa niya na maraming tao roon tuwingSabado at Linggo at tuwing holidays, minsan daw malakas ang benta minsan namanmahina raw. Tinanong ko nga siya kung matibay ba ‘yung sandals sabi ko kasibaka maputol sabi niya hindi ah. Mas marami pa rin siyempre ‘yung mgapambabaeng sapatos kumpara sa panlalaki. May mga sale rin naman. ‘Yung culturalcommodities ay ‘yung mismong kultura nila na paggawa ng sapatos at pagtinda ngtalaba (yata iyon) tapos ‘yung mga produkto nila mismo. Katutubo pa nga anglugar na iyon kumpara sa Paseo at SM. ‘Yung mga na-eempower doon ay ‘yung mgataga-roon mismo kasi napapansin ‘yung kultura nila at ‘yung mga gawain nila.Pagdating naman sa na-mamarginalize, tingin ko wala naman kahit ‘yung mgaturista kasi talagang mainit ‘yung pagtanggap nila eh. ‘Yung dominantengnaratibo ay ‘yung pagiging katutubo nung mismong lugar, may kapitalismo rinpero kumpara sa kapitalismo sa Paseo at SM, laban na kapitalismo nga ito eh.Noong namili kasi ako walang resibo eh ang pagkakaalam ko kapag walang resiboay underground ang negosyo kasi ‘yung kita nila hindi naman napupunta sagobyerno eh, sa mismong mga negosyante agad. Hindi naman ako laban dito lalo nasa mga ganitong probinsya siyempre ‘yung mga tao sa probinsya ‘yun lang naman ‘yungparaan ng hanapbuhay nila eh kukuhanan mo ba pa sila? Nakakaawa rin kasi. Kayaokay lang na ganoon. Tingin ko ‘yung kultura sa Liliw, hindi siya gawa-gawalang eh, tingin ko may pangkasaysayang ugat na ito gaya nga ng sabi ng nakausapko.

Pagkatapos sa Liliw, bumalik na kami saUPLB sa aming dorm para naman sa isang conference. Tatlo ‘yung may nagsalitaroon at lahat sila ay mga propesyunal siyempre kultura at pulitika ‘yungpinag-usapan. Marami rin akong natutunan tulad ng mga sumusunod: ang kultura ayhindi simpleng sining, at music ito ay ang mismong pamumuhay ng mga taga-roonsa lugar na iyon; ang ibang industriya ay nagsimula bilang cottage industryhindi bilang produkto agad at dahil lang sa commerce kaya nagbago ang lahat;may iba’t-ibang bahagi ang kultura-cognitive, normative at connative; angprodukto ay maaari maging regalo o produkto talaga; tapos ‘yung doon sa mgalugar na sobrang mahal tila ba pinagdadamot na ipakita sa mga tao ang kultura namayroon sila, na dapat pang-masa ang kultura; tapos pati ‘yung papel ng babaedahil dun sa isang kanta-Sabon ang pamagat na kung ang babae ba ay katulong odekorasyon lang siyempre hindi no; tapos ‘yung sa anime ng Japan.

Pagkatapos noong conference, gabi na kaya pinakain na kami ng hapunan at sa labas kami ng UPLB kumain para rinmaobserbahan ang night life sa lugar na iyon. Aaminin ko natakot ako-takot kasiakong lumalabas sa gabi at saka taong-bahay din ako, pakiramdam ko kasidelikado eh. Saka sa mga nababalitaan ko sa UPLB raw maraming nagagahasa tapospinapatay eh di sobrang takot ko talaga non! Tapos ang nakakagulat may mganakita kaming mga pares na nag-PPDA. Haha. Kaya nga yata uso ang fertilitytrees roon! Nako. Noong palabas, parangnag-hire kami ng isang jeepney! Paano kaming mga magkakasama lang sa field tripang nakasakay. Nakakatuwa nga eh, pero hindi lahat kasama namin.Nakapag-bonding kami. Kantahan, tawanan at kwentuhan habang nasa biyahe. Taposnoong nakababa na kami ng Crossing, ayun kanya-kanyang pili na kami ng lugar napagkakainan. Bale ang kasama ko lang noon sina Marjo at Rai kumain kami saJollibee (kaso hinahanap ko ‘yung spicy chicken nila!) pagkatapos namin kumainnapag-usapan naming maglibot at mamili. Eto nangyari ‘yung isang bagay nasobrang nagpakaba sa akin. Kakatawid lamang namin noon, tapos may lalakingtricyle driver yata ‘yun biglang nagtanong na “kolehiyala ba kayo?” (sabayngiting aso) kinabahan na ako noon kaya nagsenyas ako kina Rai at Marjo natabi-tabi lang kami, tapos siyempre nilabas ko na ‘yung bagay na maaari kongipanlaban (lagi kong dala) para kung sakaling hindi kami tantanan nung lalaki,makakalaban ako/ kami, napansin kong sumunod pa siya sa amin nun kaya nagmadalikami tapos ang ginawa namin tumigil kami sa isang lugar na maraming tao malapitna rin sa Town kahit papaano ligtas kami at hinanap naman ‘yung iba namingkasama. Nakita namin sila. Noong nakita namin sila, sabi namin nina Marjo atRai una na kami kasi pagod na kami. Naglakad kami kasi naghahanap ako ng penoytapos tubig, ayun, may nakausap kaming nagtitinda ng balot sabi niya may ngabeer house at club doon malapit sa UPLB tapos sa may crossing at madalas tuwingHuwebes at Biyernes masigla ang lugar kasi pagdating daw ng Sabado nag-uuwian ‘yungmga estudyante sa sari-sarili nilang tahanan, sabi niya alas-onse nang gabihanggang alas-tres nang madaling araw puno raw ang mga beer houses at clubs.May nakita nga kami habang pauwi kami sa dorm noon. Kung ikukumpara ng sa mayTaft, masigla sa Taft as in party-party talaga, hindi kagaya roon na medyotahimik at payapa pa. Marami ring tindahan at kainan, may supermarket din, mgafast food chains, fine dining at iba pa. Marami ring mga taong grasa akongnapansin. Tapos ‘ayun umuwi na kami sa dorm at nagpahinga. Nga pala wala akonglitrato para sa night life, hindi na kasi kami nagdala ng camera eh, pera atcellphone lang dala namin natakot nga kasi kami haha!

Kinaumagahan maaga akong nagising at niyaya ko si Marjo na mamasyal. Umikot kami ng UPLB (pangarap ko kasingmag-aral sa UP eh kaso mas madali nga makatapos sa DLSU), noong pabalik na kam isumakay kami sa may unahan ng jeepney at ang saya ko kasi unang beses kongsumakay sa harapang bahagi ng jeepney. Nakipag-usap din kami sa driver medyomay katandaan na siya at ang kwento niya trentang taon na siyang jeepney driverdoon sa UPLB, minsan mahina raw ang kita, hindi pa niya nasusubukang mag-iba ngruta tapos may samahan din pala silang mga driver doon sa UPLB. Tapos noon,pagbalik namin, nagkaroon ng kami ng huling diskusyon at nag-uwian na.

Ano pa bang kakaiba sa lakbay-aral na ito? Ah walang aircon 'yung tinirhan namin dahil nga may sumabog daw na electrical post okay naman naunawaan ko naman iyon pati 'yung pagpapatay ng kuryente ng bandang alas-dose. Hm, aaminin ko nahirapan ako matulog non, ay hindi pala sadyang namamahay lang ako at saka sabi kasi ng magulang ko huwag masyadong kampante sa mga lugar kaya yon. Tapos nagkaroon din ng isyu sa mga multo multo. Hay nako kaya ayon puro takutan sila. Naniniwala ako sa multo kasi nakakaramdam ako saka naranasan ko na rin makakita, pero sa pagkakataon ito kasi bigla na lang nila inopen up 'yung sa multo eh, pakiramdam ko tuloy na sinadya yoon para obserbahan kung paano mag-rereact ang mga LaSalyano sa ganoong sitwasyon. Hala ayon nga ang reaction siyempre takot sila-marami sa mga kaklase ko pero ako keep calm and keme lang ang nangyari. 

Haaay, masarap talaga sa probinsya! Daming nakikita! Magagandang tanawin, sariling produkto, kultura ng mganakatira roon, masasarap na pagkain, preskong hangin, malayo sa Maynila, walangstress at hindi mabilis ang oras. Para sa akin sobrang halaga na maglibot atmanatili sa mga lugar sa sarili mong bayan upang mas makilala mo ang sarilingiyo hindi ba? Maganda ang Pilipinas! Mayaman tayo sa mga tanawin at sa kulturasiyempre! Sa paglibot mo sa bawat bahagi ng Pilipinas masisilayan mo anggandang taglay nito at ang galing ng mga Pilipino.




Para sa mas marami at detalyadong larawan, maaari mong bisitahin ang site na ito: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.547462741950965.1073741825.100000617333661&type=3

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento