Ngayong
araw na ito, ang unang ginawa namin sa klase ay nagkaroon kami ng orientation para sa field trip namin simula bukas (Marso 1, Biyernes hanggang Marso 3,
Linggo). Pinag-usapan ‘yung mga bawal tulad ng pag-inom at paninigarilyo. Tapos
pagdating naman sa dress code pwede
naman magsuot ng tsinelas tapos sa shorts
naman ayos basta huwag lang daw sobrang maiksi. Tapos pinag-usapan din namin
yung aming itinerary. Jam-packed nga ang field trip namin. Haha.
Na-e-excite na nga ako. Sa Laguna
pala kami pupunta- maglilibot kami mula sa Sta. Rosa, SM Calamba, Liliw,
Pagsanjan at UP sa Los BaƱos. Kasabay siyempre nang aming paglilibot at
paglalakbay ay ang pagmamasid at pag-o-obserba ng mga lugar pati na rin ‘yung
mga matatagpuan namin dito. Sa susunod na blog
entry ko, i-ke-kwento ko ‘yung mga nakita at ginawa namin sa field trip namin!
Pagkatapos
noon ay nagtalakay ang aming propesor ukol sa mga pamamaraan na magagamit namin
upang maunawaan ang pulitika sa pang-araw araw. Isa rito ang political-economic analysis na nagsasaad
na ang kultura ay nakaugat na sa mga pang-lipunang institusyon pati sa mga
nakagawaing mga bagay. Isa pa, inuugat nito at pinapatagal ang power relations sa iba’t ibang social cleavages Pinaglalaban din nito
na ang produksyon ng kultura ay sumasalamin sa mga dominanteng pagkawili ng mga tao sa isang lipunan. Kaya magkakaroon din ng paglaban sa
dominanteng pagkawili. Kunwari, sa malls may mga tindahan na mamahalin tapos mayroon
naman na pang-masa. Kumbaga kung may dominanteng pagkawili nandiyan ‘yung
taliwas dito. Tapos, may tatlong bagay ring inuunawa ang political-economic
analysis ito ang mga sumusunod, analysis
of the logic and drivers of production, contents and impacts. Ikalawang
pamamaraan ay ang discourse analysis
na may layuning maintindihan ang mga paglalarawan ng mga gawaing na
nakasanayang panlipunan at lenggwahe na siyang nagbabantay sa paggawa ng mga
diskurso na tumututok sa mga panlipunan at pampulitikal na nagtatakda sa kung
anong kinukuha ng mga discourse. Dito ginagamit ang mga sumusunod na paraan: hermeneutics (semiotics),
genealogy/archaeology at deconstruction
Pag-usapan natin ang deconstrcution.
Ito ay ang kabaliktaran ng pormalismo dahil ang kabuuan ng isang akda ay muling
ginugulo o sinisira at bubuuin ulit. Bale original na ‘yung bagong nabuo dahil
hindi naman ito hinahango sa ibang akda. Basta ang tampok nito ay ang
pagwawasak at pagbubuo. Binabali sa dekonstruksyon ang karaniwan o nakagisnang
nosyon. Mga halimbawang mabibigay ko: una ‘yung sa nosyon natin sa mga ikatlong
kasarian lalo na ang mga bakla, sinasabi na malas daw sa lipunan at pamilya,
pero hindi naman eh, mas nag-e-excel
kaya sila lalo na sa industriya ng fashion;
ikalawa ‘yung magkakaroon ng bisyo- alak, sugal, sigarilyo, droga at iba pa, na
sinasabing masama, pero malay mo may bahaging nakakabuti pala ang mga ‘yun;
ikatlo, ‘yung pagkakaroon ng stereotyping
sa mga schools na minsan dahil lang sa pera pero wala naman talagang tamang
kakayanan, pero hindi naman lahat ganoon eh; at panghuli, ‘yung sa mga propesor
na imbes na mas matanda, o di kaya may masteral
o doctorate ay kaklase mo pa,
nababali nito ang nakasanayan nating imahe ng isang guro.
Naalala
ko ‘yung sinabi ng aming guro na kapag simple lang daw mag-isip ang isang tao,
mas madali ‘yun bigyan ng dekonstruksyon sapagkat tuwiran eh, pero kapag mas
magulo o masikot, mas mahirap bigyan ng dekonstruksyon kasi maraming
pasikot-sikot. May mga panahon na ayos lang na simple mag-isip pero minsan ayos
din naman na kumplikado ang pag-iisip. Sa palagay ko, mahalaga ang
dekonstruksyon dahil patunay lang ‘yun na kailangan ang pagbabago at hindi lang
dapat dumikit sa nakagisnan o nakasanayan lang. Maaari rin namang sumubok ng
mga bagong bagay. Mas napapalawak ang isipan at pag-uunawa natin, may
nadidiskubre pa tayong mga bagong kaalaman.
Mga Sanggunian:
Contreras, A. (2013). CULPOLI: Lecture Note.[PowerPoint
Slides]. Retrieved February 28, 2013 from https://docs.google.com/file/d/0B1SygfYrMeNjdENra2JsaGg4S0U/edit?usp=sharing
(n.d.). Retrieved February 28, 2013 from http://www.freesmileys.org/smileys/smiley-bounce016.gif
(n.d.). Retrieved February 28, 2013 from http://www.freesmileys.org/smileys/smiley-bounce016.gif
http://www.netanimations.net/animated-eyes-watching-something-go-by.gif
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento