Isang Pwersang Napakalakas

on Martes, Pebrero 5, 2013

LEAP2K13: Bringing Down of a Dictator

LEAP? Ano nga ba ang ibig sabihin ng LEAP? Ang LEAP ay isang abbreviation na nangunguhulugang Lasallian Enrichment Alternative Program. Ito ay ginanagap taon-taon. Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagkakataon na pumili ng isang klase na nais nilang pasukan; isang araw na walang klase iyon at LEAP lamang ang papasukan ng mga mag-aaaral. Sa tatlong taon kong stay sa DLSU, masasabi kong masasaya lahat ng klase at gawain sa LEAP.  Noong first year ako ang LEAP ko ay ice-cream making at ang sponsor organization ay ang Chemistry Society sa aking pagkakaalam. Tapos noong second year naman ako ang LEAP ko ay pagpunta sa Supreme Court at ang sponsor organization naman ay ang Ley LaSalle. Ngayong third year naman ako, ang LEAP ko ay isang film viewing  na may titulong Bringing Down of a Dictator; sa katunayan, hindi talaga ito ang nais kong LEAP, nagkataon lamang na naubusan ako ng slot doon sa LEAP ni Ramon Bautista (pero okay lang nakapag-pa-picture naman ako eh, haha!). Ang sponsor organization dito ay ang POLISCY.

‘Yung pelikula sa katunayan, sandali lamang siya, walang isang oras na pinalabas. ‘Yung kwento ay umiikot sa pagbabatumba ng diktatorya sa Serbia ng mga tao roon. Nais na nila pabababain ng pwesto si Sloban Milosevic. Sabi doon sa pinanood ko, halos mahigit labing-tatlo o labing-apat na taon nang naghahari-harian si Sloban. Tapos tinagurian pa ito bilang The Butcher at The Bloodiest Tyrant in Europe. Sa pamumuno niya samu’t-saring pangyayari ang naganap tulad ng ethnic cleansing, pagkakaroon ng concentration camps, kahirapan at laganap na graft at corruption. Kakaibang pagproprotesta ang ginawa ng mga mamamayan doon! Hindi marahas na pag-aaklas. Tapos ang bumubuo pa ng grupo sa pagaaklas ay puro mga mag-aaral at ang pangalan ng samahang iyon ay Otpor. Nag-aaklas sila gamit ang rock concerts, ridicule, parody, laughter internet, e-mail, spray-painted slogans at ayos lang sa kanila ang maaresto. Noong una ‘yung samahan ng Otpor wala silang lugar na talagang pinagtitipunan nila, madalas sa mga cafes lang sila tapos cellphones ang gamit nila sa pagkikipag-usap. Tinutulungan ang Otpor ng United States at Europe. Talagang hinasa ang mga miyembro ng samahan na lumaban sa hindi marahas na pamamaraan. Nagawa nilang itigil ang voting fraud pati napahina nila ‘yung police and army loyalty. Nagawa nilang patalsikin si Milosevic dahil natalo na naman ito sa eleksyon; at gawa rin ng isang general strikeI; talagang lahat ng Serbs ay nagsama-sama para lahat makamtam ang demokrasya na nais nila. Nagtagumpay sila sa pagpapatumba ng diktatorya at naisakatupuran nila ang pagkakaroon ng demokrasya sa bansa nila. At ang pumalit na namumuno ay si Kostunica.

Sa palabas na ito naaalala ko ‘yung pinag-usapan namin sa klase ‘yung tungkol sa resistance o paglaban. Ang ginawang paglaban ng Serbs ay kakaiba at talagang mahusay ang ginawa! Kasi unang-una hindi marahas ang paraang ginamit tapos kahit sa pag-aaklas, gamit ang musika, napaparating nila ‘yung nais nila na paaalisin sa pwesto ‘yung diktador. ‘Yung doon naman sa ridicule at parody, napakita nila ‘yun sa commercials, ang galing, napakahusay talaga! Lumaban sila nang walang dugo; noong umpisa mayroon pa dahil nga ‘yung mga pulis sinasaktan sila eh hindi naman sila lumalaban eh. Naaalala ko ‘yung sinabi ng isang speaker doon na kapag mataas ang antas ng repression, paniguradong mataas din ang paglaban o resistance na mangyayari. Umaayon ako sa sinabi niya. Gaya nga ng Third Law of Motion  ni Newton magkasing-sukat at antas ang isang aksyon at reaksyon. Kapag talaga nanaisin at gugustuhin ng mga tao ang pagbabago sa sistema ng lipunan, kahit anong pamamaraan gagawin nila upang makamit ‘yung adhikain.

Mga Sanggunian:
(2002). Bringing Down of a Dictator [Motion picture].


0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento