Unang Hirit. Unang Tikim.

on Huwebes, Pebrero 7, 2013

Itong araw na ito ang pinaka-iniintay namin; ito kasi ‘yung araw na magre-report kami. Bale kasi nag­-grupo kami sa klase, pitong miyembro bawat grupo at may anim na grupo. Sinabihan kami ng propesor namin kung ano ‘yung dapat naming ihanda; tapos ‘yun nga yung sa Western Theoretical Traditions na kinabibilangan ng Marxism, Frankfurt School, Birmingham School, Gender-based theories, French Theorists at Postmodernism. Hindi magiging sunud-sunod ‘yung pagtalakay sa mga nabanggit; bale random kaming tatawagin; random  na kung sino ‘yung mag-uulat at random  din yung tatalakayin. At sa kabutihang-palad, ang grupo ko ang natawag upang iulat ang postmodernism. Sa katunayan, ayos lang naman sa akin kung matawag kami o hindi dahil lahat naman kami sa grupo ay may ginawa; may nakatoka na kasing topic ang bawat isa sa amin. Sa blog entry  na ito tatalakayin ko ‘yung natutunan ko sa klase kanina.

Ang Postmodernism ay isa sa mga pinakabagong teorya. Ito ay isang termino na maaaraing gamitin sa literatura, sining, pilosopiya, arkitektura, kathambuhay, cultural at pampanitikang kritisismo. Ito ay reaksyon laban sa siyentipiko at puntahin na pamamaraan sa pagpapaliwanag ng realidad. Ang pinupunto nito ay ang realidad ay hindi lamang nasasalamin sa kung paano ito nauunawaan ng tao bagkus ito ay nililikha sa utak habang sinusubukang unawain ang isang particular at personal na realidad. Kung gayon, ang postmodernism ay nagkakaroon ng pagdududa sa lahat ng pagpapaliwanag ukol sa mga bagay bagay. Ang lundayan o pokus nito ay ang relative truths ng bawat tao.  Mahalaga ang interpretasyon o pagpapaliwanag sa postmodernism sapagkat ang realidad ay dumadating lamang dahil sa pagpapaliwanay natin kung ano ang mundo para sa bawat tao. Angat din ang mga konkretong  karanasan sa postmodernism dahil nga ang bawat resulta ng karanasan ng tao ay nababagay o depende sa sitwasyon.

Sa salitang postmodernism nariyan ang salitang post dahil nga tinatanggi nito ang pagkakaroon ng grand narratives at ultimate principles. At nagdududa rin ito kung mayroon nga bang siyentipiko, pilosopikal o relihiyosong katotohanan na magpapaliwanag sa lahat ng tao.

Si Foucault at Baudrilliard ay dalawa lamang sa kinikilalang teorista ng postmodernism.

Sa ibaba, makikita niyo ang screenshots nang presentation na ginawa ng aking kagroupo.

 
Para sa aming creative presentation, may pinanood na lang kaming pelikula sa aking mga kaklase na may titulong Into The Woods. Tapos sabi ng aming guro ang Buchikik daw ay halimbawa ng postmodern na musika. May isa pa eh, yung Gibberish ni Ryan Leslie. Puro salita lamang siya tapos iisang lang 'yung tono. Para bang kumpol kumpol lang na mga salita't parilala. Ikaw na bahala kung paano mo i-interpret 'yung kanta.

Ang French Tradition of Cultural Studies naman ay tumutukoy sa terminong sumikat sa Pransya noong 1960s at sa U.s. noong 1970s. Ang Annales School of Historiography ang nagpasimuno ng teoryang ito. Naniniwala ang mga miyembro ng samahang Annales School na ang kasaysayan ay hindi lamang tumutukoy sa mga nangyari sa nakaraan ngunit ito rin ay tumutukoy sa mga simpleng kaganapan ng buhay ng bawat tao. Ang kasaysayan ng bawat isa ay pinupunto nito. Ang pang-araw-araw na pamumuhay ay isang panimula bilang isang pangkasaysayang karansan.

Sina Bourdieu, Bakthin, de Certeau, Lefebvre at Braudel ay ilan lamang sa mga kilalang teorista para sa teoryang ito.

Ang grupo na nag-present para dito ay kumanta ng isang awitin at Imagine  ang titulo nito. Kaya raw ito ang kinanta nila dahil sa sinasabi ng liriko nito na no boundaries. Para bang ang French Tradition of Cultural Studies daw ay umiikot sa konsept ng pagkakaroon ng walang hati kundi pagkadugtong-dugtong ng lahat ng tao, bagay at pangyayari. 


Dito sa konseptong ito, sa aming grupo, ako ang naka-assign, makikita niyo sa baba ang presentation na ginawa ko.





Sa paglipas ng panahon, mas maraming teorya at konseptong natutuklasan ang sangkatauhan. 

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento