Huling Hirit. Huling Tikim.

on Huwebes, Pebrero 14, 2013

Ito na ang huling araw para sa pag-uulat. At ang dalawang natirang grupo ay mag-uulat ukol sa Frankfurt School at Birmingham School. Sa blog entry na ito, ikekwento ko ang nagging talakayan namin ngayong araw.

Para sa Frankfurt School, ang pinag-usapan ay ang argumentong ang kultura ay isang sagabal o impedimento. At ang kultura ay nagiging sikat o popular lamang dahil nako-commodify ito. Sinasabi na ang popular culture ay hindi na awtentik dahil nga na-commercialize na. Ang tunay o awtentik na kultura ay ‘yung madalas nasa teatro at museo dahil hindi naman ito nako-commercialize agad; pili lang din naman kasi ang mga manonood dito.

Para naman sa Birmingham School, ang pinag-usapan namin ay ang school of thought na ito ang unang lumikha ng terminong cultural studeis. Sa creative presentation ng grupo ay ipinalabas nila ang isang video mula sa Cinderella kung saan may mga hayp tulad ng ibon na kumakanta tulad ni Cinderella. Sinabi ng grupo na mula doon sa scene na ‘yun parang pinaalis ni Cinderella ‘yung ibon na kumakanta tila ba pinapakita na ang tao lang ay mga kakayahan na gawin ang pagkanta tapos ang mga hayop ay dapat likhain lamang ‘yung natural na tunog o himig na niyayari nila.

Sa kabuuan, mula sa lahat ng mga pag-uulat na naganap, ang mga teorya ay maaaaring gamitin sa pag-susuri ng mga bagay-bagay. 

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento