May mga bagay dito sa ating lipunan na tinuturingnatin bilang given na at hindi nanatin inaalam kung paano ba ito lumitaw. Hinahayaan na lang natin itongmamalagi sa lipunan natin at ginagawang kasanayan.
Sila Gramsci,Lukacs at ang Frankfurt School naman ay ilan sa mga iskolar ng Western Marxism. Ang pinakapunto ngargumento nila ay ang ideolohiya ng classdomination sa kultura at pati na rin ang mismong industriya ng kultura. Si Gramsci ay gumamit ng hegemonic culture sa pagtutukoy ngpahintulot ng mga naaapi o di kaya naman ay maglikga ng common sense na siyang magagamit upang pa-kontrol ang pag-iisip atutak ng mga tao. Si Lukacs naman ay tumukoy sa pagmamanipula ng kamalayan ngklase (class consciousness). Ang Frankfurt School naman ang tumukoy naang dominasyon ay nakikita bilang reificationo pagtingin o pagtrato ng isang tao o kung ano pa man bilang bagay. Dinagdag pang Frankfurt School na ang industriya ng kultura ay kung saan angkultura ay nako-commodify sa kungpaanong paraan ito nagagawa at nalilikha ng mediaat entertainment nanakakapag-manipula ng kamalayan ng mga tao. Bilang halimbawa, ang fashion o pananamit. Kapansin pansin naman napare-pareho lang ang nauusong mga anyo ng damit sa buong mundo eh. O di kayanaman ang mga gadget tulad ng cellphone, laptop, desktop, tablet at iba pa. Bakit nga ba ganoon na magkakatuladlamang ang mga ito? At ang pinagkaiba lamang nito ay ang mga tatak. Nang dahilsa media pinapakita nila sa publikona ang mga gamit o bagay na ito ay magaganda kaya dapat tangkilikin. Ang mgaindustriya ng damit o kagamitan ay nililikha upang ipakita na kapag hindi motinangkilik ang mga producto ay deviantka. Katulad na lang sa unibersidad na pinapasukan ko araw-araw, ‘yung mga taodoon ay halos magkakatulad ng mga sinusuot na: loose tops, hanging tops, cropped tops, skinny jeans, dresses, skirtsat iba pa. Sa sapatos naman uso ngayon ang espadrille,doll shoes, heels, top siders at iba pa. Siyempre dahil nga na-advertise ang mga ito ng media halos lahat ng tatak o brands ay may mga parehong porma atanyo. Bilang karagdagan, ‘yung mga bag tulad ng Hermes, Tory Burch, Long Champ o Louis Vuitton na sadyang mahal talaga na para sa mga mayayamanlamang pero kasi sa telebisyon tila napapakita sa madla na hindi lang ito parasa mga mayayaman para ito sa lahat (kaya nga marami na ring pekeng ganito eh). Taposisa pa ay ‘yung industriya ng pampaganda- Belo, Beverly Hills 6750,Calayan,sino pa ba? Iyan lang naman ang tanyag sa atin kasi sila lang naman angnaipapakilala ng media. Lahat ngprodukto at serbisyong pampaganda mayroon sila, tanungin mo sila at may iaaloksila. Para bang ang mensahe nila sa nakakarami na ang pagiging maputi at mapayatay normal lamang at kapag maitim ka tapos mataba ka pa, pagtatawanan ka nglipunan. Kaya nga marami sa publiko ang humahanga sa mga artista kasi para pang‘yung mga artista ang perpekto (kahit hindi naman). Dahil din kasi ang media ang nagbigay daan upang i-heighten ‘yung kagustuhan nilangmagsalaysay. Ito ay ilang halimbawalamang kung paano nakakalikha ng kultura ang media pati na rin ang entertainmentindustry. At ang kultura at nagiging produkto na maaari nilang tangkilikin.Kaakibat natin, marahil tamang sumang-ayon sa argument nina Marcuse at Adorno ng Frankfurt Schoolna tunay ngang may pagmamanipula sa ideolohiya at kultura, na humuhubog sakaisipan ng mga tao at ang nagdadala sa kultura na maging sikat o popular kung kaya’t naging makapangyarihanitong ideolohiya ng dominasyon.
Sa kabilang banda naman, si Benjamin at ang huling henerasyon ng Frankfurt School ay dinagdag na kung ang popular noon ay nadodomina ng mga industriyang pangkultura at ngmga mayayaman lang, sa ngayon ang popularculture ay mayroong kakayahan at epekto magpalaya. Ang maaaring halimbawadito ay ang pagkakaroon ng conyo, bekimon at jejemon na pananalita. Dahil sa kakaibang uri ng pananalita olenggwahe ay nagiging malaya sila sa saloobin nila. Ang kulturang na-kontrol onamanipula ng media ay nagigingbagong lugar na para sa bagong kultura na nalilikha. Katulad nga ng sinabi niMarx na ang ideolohiya ay mag kakayahang baliktarin o sirain ang realidad. Salumang paniniwala ng Marxism angkultura ay nako-kontrol lamang ng dominanteng klase kaya ang kultura aysinasang-ayunan. Pero noon nga latecapitalism, ang kultura ay nagsilbi ng lugar upang luamaban. Kaya kung may hegemony¸paniguradong mayroong counter hegemony. May napanood akongpelikula na ukol sa pagpapababa ng diktatura sa may Serbia siyempre ang hegemony roonay ‘yung namumunong diktador tapos ang counterhegemony naman ay ‘yung mga estudyante (nabanggit ko na ‘yung buong kwentonito sa nakaraang blog entry ko). Angginawa ng mga estudyante ay nagkaroon sila ng mga rock concert na talagang ipinagbabawal ng gobyerno; pero sa hulinanaig ang counter hegemony. Dahil dito,nakikita natin na ang pangunahing layunin ng pintas ng ideolohiya ay para ma-deconstruct ang hegemony at dominance sapang-araw-araw na buhay. Sa Pilipinas, isang paraan upang ma-deconstruct ang dominante at tipikal naPilipinong pelikula o palabas sa telebisyon ay kapansin pansin na hindi nalahat ng palabas ay mayroong masayang pagtatapos o ‘di kaya naman kaunti nalamang ang mga palabas na madrama. Ang mga halimbawa nito ay ang Metanioa RPG,I Love You Pare, Princess Urduja, Saving Sally, Praybeyt Benjamin. Masasabingang Pilipinas ay tunay nga naimpluwensiya nang sobra ng mga taga-Kanluran atdapat itong i-deconstruct sa kungpaano ba talaga mag-isip ang mga Pilipino. Bilang karadagan, sa late capitalism din mas kumonti ang mgapampublikong ideolohiyang ukol sa relihiyon at mas dumami ang ideolohiyang pang-popular culture. Kung ang argumento ng mga naunang iskolar ng Marxism ay laban sa simbahan at religion,ideolohikal na isyu ukol sa dominasyon at highculture at ang argumento ng mga bagong iskolar ng Marxism ay ukol sa popularculture sa buhay ng mga tao. Tapos ang huling henerasyon ng Frankfurt School, Benjamin at pati narin ang mga huling nag-aaral ng culturalstudies, ang popular culture ay nagiging lugar na nag paglaban at pag-iisiip.Masasabing ang mga naging salik sa ebolusyon ng mga teoryang ay dahil nga sa pangangailangan ng panahongiyon at ang ideolohiya ay tumulong sa paghubog ng henerasyon, kamalayan nyklase at ang pagbabago ng papel at ugali ng mga tao.
Ang iba pang teoryang naitalakay ay ang gender-based theories na kinabibilanganng feminism, queer theory atpost-feminism. Lahat ng ito ay ukolsa kasarian at pinagtitibay ang karapatan ng bawat kasariang pinaglalaban nito.Nais kong pag-usapan ang feminism dahilmas malapit sa akin ito. Bilang isang babae, sinisiguro kong ipinaglalaban koang karapatan ko at hindi ako papayag na apihin na lang ng iba. Dapat nga masmaging malakas, makapangyarihan at magsalita na ang mga kababaihan dahil ilangdekada na rin naging tahimik at nasa ibaba ang mga babae. At dahil nga sakatahimikan ng mga kababaihan ay mas naging makaama ang iba’t ibang lipunan sabuong mundo. Sa palagay ko ay naging biktima rin ako dahil nga ang lipunannatin ay nakabase sa ideyang pangkasarian. Sa tuwing mag-aaral ako at gagawa ngmga ulat, natural at normal na sa akin na tingnan ang mga konsepto at aralin salohikal at makatwirang pamamaraan. Pero naisip ko na ang lohikal at makatwriangparaan ng pag-iisip ay isa sa mga naibigay ng ideya ng mga taga-Kanluranglalaki. Siyempre, nasusuri ko ang mga bagay bagay sa kapareha ng paraan nilahindi ba? Dahil dito ang nagagamit kong gabay sa pagsusuri at pagunawa ay angnaratibo ng mga lalaki. Kaya tuloy ‘yung mga dapat ipakita o ipalitaw aypatulog na natatago; nahahawakan lang ang pang-ibabaw. Sa katunayan, pakiramdamkong pinalaki akong walang kalamayan sa ideya o konsepto na pangkababaihan.Kaya naniniwala ako sa herstory hindilang dapat history; mahalaga rin ang feminist cultural studies kasinababalanse ang pagtingin sa mga bagay-bagay. Dahil nga babae ako, nahuhusgahandin ako ng lipunan, kaya ang mga teorya, naratibong pangkababaihan ay dapatnakabaon na sa kung paano ako mag-isip at kumilos. Naisip ko rin na ang mgababae ay kadalasan nama-marginalizedahil din hinahayaan nilang gawin ito sa kanila; kaya kung ayaw talaga nilangma-marginalize dapat lumalaban dinsila.
Sa bahagingito ng mga aralin, nakita ko ang papel ng kultura sa ekononiya pati na rin sapagpili ng kasarian. Sa normal at hindi karaniwang kugar ng pag-aaral nakikitanatin ang kultura. Sa iba’t ibang kulturang ito, nakikita kung saan na tayodinala ng pulitika.
Sanggunian:
Birch,D., Schirato, T., & Srivastava, S. (2001). Asia: Cultural Politics inthe Global Age (Chapters 1, 2, 3). New York: Palgrave.
Contreras,A. (2013). CULPOLI: Lecture Note.[PowerPoint Slides]. Retrieved from https://docs.google.com/file/d/0B1SygfYrMeNjS2lyNHJ2RFhjS2c/edit?usp=sharing.
CULPOLIA51 Group Reports [PowerPoint Slides]
Surber,J. (1998). Culture and Critique: An Introduction to the CriticalDiscourses of Cultural
Studies (Introduction;Chapter 8). Boulder, Colorado: Westview Press.
Ward,G. (2009). Postmodernism (Chapters 1, 4, 6, 7, 8). London: HodderHeadline.
(n.d.). Retrieved February 15, 2013, from http://www.burtonreport.com/images/GateTheory432GIF.gif
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento