Ikalawang Hirit. Ikalawang Tikim.

on Martes, Pebrero 12, 2013

Ito ang ikalawang araw ng pag-uulat ng mga grupo, depende sa  paksa na sasabihin n gaming propesor. Para sa ngayong araw, ang tinalakay ng dalawang grupo ay tungkol sa ­Gender-Based Theories at Gramscian o Western Marxism.

Ang pinag-usapan sa Gender-Based Theories Gender-Based Theories ay Feminism, Post-Feminism at Queer Theory. Lahat ng teoryang ito ay umiikot ukol sa kasarian. Nakakatuwang isipin na nagawa ng mga tao na gumawa ng mga teoryang aangkop para sa kasarian at ang mga teoryang pang-kasarian na ito ay malaki ang naitutulong upang mas matanggap ng lipunan ang kasarian ng bawat mamamayan. Ang feminism ay isang teoryang umiikot sa pagpapalaya ng mga kababaihan mula sa mga tradisyunal at nakagisnang pag-uugali. Alam natin na ang lipunan lalo na ditto sa Pilipinas ay makaama o patriarchal. Lagi na lang ang mga kalalakihan ang mas mataas, mas malakas at mas dominante. Tapos naman ang kababaihan naman ay ang mahihina at taga-sunod. Kaya dahil dito, nabuo ang peminismo. Ang lalaki’t babae ay dapat pantay-pantay; kung ano ang karapatan ng mga lalaki ay ganoon din sa babae. Tapos sa panahon ngayon, kaya na ng mga babae ang ginagawa ng mga lalaki. Sa paglipas ng panahon, ang mga nakagisnang bagay at mga tradisyon ay unti-unting nababago. Nagiging makapangyarihan na rin ang mga babae sa ngayon. Samantala ang queer theory naman ay ang teoryang ukol sa mga kasarian maliban sa lalaki’t babae. Dahil sa teoryang ito, mas dumami pa ang listahan ng mga kasarian, kasama na rito ang mga gays, lesbians, transexuals, bisexuals, etc.

Sa Western Marxism naman ang naging pokus ay ukol sa commodification. Sa panahon ngayon, lahat ng lang bagay kahit pa tao ay nako-commodify na. Hindi lang bagay ang nao-objectify. Ang halimbawang ibinigay ng grupo ay ang pag-o-objectify ng mga unibersidad o paaralan sa mga mag-aaral o estudyante para mas marami pa ang pumasok sa paaralang iyon.

Naisip ko mula sa talakayang naganap, una ay, maganda talagang magkaroon ng mga teorya ukol sa mga kasarian dahil mas nabibigyang-diin ang mga karapatan ng mga tao. At isa pa, hindi naman kasi magiging tradisyunal sa panghambang buhay eh, siyempre may magbabago’t magbabago talaga. Kung iba man ang kasarian nila, i-respeto natin sila kasi pinili nila ‘yun eh. Hindi tamang lalaitin natin sila eh. Doon naman sa pag-ko-commodify, hindi na nga natin maiiwasan iyon. Syempre sa pag-o-objectify at commodify kumikita at nagkakapangalan ang mga iba’t ibang enterprise eh. Marahil, ang maaaring gawin ay ‘wag nating hayaang ma-objectify at ma-commodify nang lagi at sa masamang paraan o may masamang kalalabasan. 

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento