Naalala ko ‘yung kanta ni Bamboo na “Noypi”,sabi nga doon sa awiting iyon ay astig tayong mga Pilipino kasi kahit namahirap ang buhay sa atin ay nakukuha pa nating ngumiti ito ay dahil malakasang kalooban natin at saka may agimat nga tayo eh. Kakaiba ang lahing Pilipino!May mga paniniwala tayo, tradisyon, kultura at iba na tanging atin lamang. Saaking palagay, kung nasaan ibang bansa man tayo eh, malalaman na Pilipino kaeh. Tingnan mo ‘yung litrato sa baba, nakasulat diyaan ang mga katangiang pangPinoy lamang:
Mahaba pa ang listahang iyan, pero ‘yang limampung iyan ang masasabing pinaka nakatangian ng isang Pinoy.

Ayan,sa tuwing naririnig ko ang terminong katutubong Pilipino, agad kong naaalalayung patakarang Pilipino Muna ng dating pangulong si Carlos Garcia. Sapatakaran niya kasing ‘yun ay dapat sa lahat ng bagay ay Pilipino muna dapatang bigyang-daan tapos saka na ‘yung iba. Kunwari sa produkto, dapat tangkilin ang sariling atin at hindi dapat ito tingnan bilang mababang uri kung ikukumpara sa mga produktong galing ibang bansa. Naniniwala kasi ako namalalaman mo lang kung ano, paano, sino ang tunay na Pilipino kung mauunawaan mo ang katutubong nakagawain ng mga ninuno natin eh. Kapansin-pansin naman nasobrang baba ng tingin sa mga Pilipino dahil na rin sa impluwensiya ng mga nasaibang bansa eh. Hindi naging maganda ang paglalarawan ng mga taga-Kanlurantungkol sa ating bansa. Tingin ko dapat tanggalin talaga natin ‘yung mga konseptongbinuo ng mga taga-Kanluran at palitan natin ng sariling nating katha. Hindinaman sa kinokontra ko ‘yung mga Kanluraning konsepto, dapat ay may hangganan.Dapat ay lumikha tayo ng mga kathang sariling atin siyempre kapag atin ‘yun masmalapit sa kultura natin saka mas tugma ‘yun at mas maiintindihan natin ‘yunglipunan natin. Hindi dapat mababa o pangalawa ang mga Pilipino at hindi rintayo dapat nasa gilid gilid lamang. Mahalagang ma-deconstruct ang pag-iisip ng mga Pilipino. Naniniwala ako na angPilipinas ay dapat umiikot sa sariling atin at hindi dapat tayomagpaimpluwensiya sa ibang lahi. Mahalagang isabuhay natin ang mga katutubonggawain dahil ito ang sumasalamin sa pagiging Pilipino natin.
May mga teorya na nalikha para maunawaan nang husto ang kulturang Pilipino.Nagsimula lahat noong panahon ng nasyonalismo siyempre marapat lamang nasariling atin ang mga teoryang gagamitin. Isa na rito ang Sikolohiyang Pilipinoni Virgilio Enriquez na nagpapaliwanag naiba ang sa pag-uunawa ng mga katangiangPilipino ay iba-iba ang bersyon ng bawat isa lalo na kung ang taong iyon aywalang lubos na kaalaman ukol sa kaisipan at kaugaliang Pilipino. Pinag-aralanng teoryang ito ang mga katangiang: utang na loob, mamaya na, bahala na, ningascongon at iba pa. Maaaring negatibong ang dating ng mga ugaling ito sa ibangtao, pero kung titingnan mabuti, hindi naman talaga negatibo ang mga ito. Doonsa mamaya na, bahala na at ningas congon, itong mga ito ang naging armas ng mganinuno natin noong sinasakop sila ng mga Kastila. Hindi niya nais na maapi atmaabuso kaya naman nanlaban sila sa mga paraang hindi kailangan na magbuwis ngbuhay. Samantala ang pakikisama, hiya at utang na loob ay mga ugali ang mgalakas at magagandang ugali natin, marami pa pero iyan ang pinaka. Kailangan natin ang mga ugaling ito para mabuo at maging isa ang bansa natin. Ikalawa,ang Pilipinohiya naman ay isang pag-aaral at pagsusuri ng pagiging Pilipinogamit ang pamamaraan ng mga Pilipino. Binigyang-diin nito ang paggamit ng sarilingwika natin dahil ito ay mahalagang parte ng isang bansa. Sinasaan din ngteoryang ito na ayos lamang gumamit ng mga dayuhang teoryang para sa atingbansa pero dapat ang paggamit ng dayuhang teorya ay may hangganan at nararapatat tama sa konstektong ginagawa. Ikatlo, ang Pantayong Pananaw naman ni ZeusSalazar at nilalayon nitong teoryang ito na magkaroon ng isang talastasan saating bansa upang mapagkaisa ang mga Pilipino. Ang pagkakaroon ng pambansang diskurso at talastasan ay mas magkakaunawaan ang bawat Pilipino at mas mapapadali ang pagtupad ng mga pangarap at tungkulin ng mga Pilipino sapagkatmagiging isa na lang ang layunin ng bawat isa na lumikha ng sarilingbansa-isang Pilipinas na magkakaisa sa lahat ng tao. Ang mga teoryang nabanggit ay may hangaring na buuin ang nasyonalismo sa Pilipinas at pagbukludin ang mgaPilipino. Masasabing epektibo ang mga teoryang ito sa pagsusuri at pagaanalisang kasaysayan at kultura nating mga Pilipino. Mahalaga na magkaroon at bumo taong sariling pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

May gusto akong i-kwento. Noong hayskul ako, nagkaroon kami ng kaklase na galing probinsya, sa may bandang Bisayas ‘yun, bale may punto siya magsalita, marunongnaman siya magtagalog. Unang araw kasi ng pasukan ‘yun eh, eh ‘di puro pakilala,‘yung iba sa amin tag-lish pa mag-salita, tapos maarte pa (oo naiinis ako saganoon, maarte kasi naman pwede namang i-purong tagalog o ingles di ba? Taposmaarte pa ‘yung paraan ng pagsasalita, nakakainis kaya!), tapos noong siya nanagsabi pa siya ng “magandang araw...ako si...” purong tagalog, tapos maypunto, ‘yung mga kaklase ko kaniya-kaniyang hagalpakan, eh ako nagulat langbakit sila tumatawa nang ganoon ‘di ba? Masama na bang mag-tagalog? Hindi namanah! Nasa Pilipinas kaya tayo. Siyempre naawa ako ‘dun sa kaklase namin ‘yunhindi ko napigilan pagsalitaan ‘yung mga kaklase ko. Natatandaan ko pa sinabiko nu’n sa kanila “tumatawa kayo kasi nag-tagalog siya? May mali na ba sapag-tatagalog? Sabihin niyo nga? Dahil may punto siya magsalita? Walangnakakatawa ‘dun. Buti pa nga siya kayang ipagmalaki ‘yung sariling wika niyaeh. Eh kayo pag-iingles ingles pa kayo, hindi naman bagay. Ginagawa niyongbanyaga ‘yung sariling atin”. Alam ko naman na nagalit sila nung sinabi ko ‘yuneh, pero hindi din nila ako masisisi, dapat nga ako tumawa kasi naiingles sila,barok naman ‘di ba? Haha. Eh, may ano talaga ako sa mga taong hindi kayanggamitin ‘yung sariling wika natin eh. Kasi naman ika nga nila ang wikang hindinagagamit ay namamatay, kawawa naman tayo kapag nangyari ‘yun. Tapos, isa pa,eto naman sa kolehiyo siyempre DLSU eh, alam naman na ‘yung mga tao roon ehtalagang ingles ang pananalita tapos ‘yung iba tag-lish na maarte pa (pasensiyana sa mga natatamaan ko ah, opinyon ko eto eh, ay teka, blog ko ‘to eh, wala napalang pasensiya), naaalala hindi mawawala ang pagsasalita ko ng tagalog kahitsumasagot sa tanong o nag-uulat ako, kahit na magalit ‘yung propesor o hindimaintindihan ng mga kaklase ko. Nasa Pilipinas kaya tayo, dapat tagalog ano!Nagkaroon nga rin ng pagkakataon sa ulat na nagtanong ako kung “pwedemag-tagalog eh”, okay lang naman daw pero naisip ko ngayon, dapat ang itanongay “pwede kayang mag-ingles?” Mas tama ‘yun di ba?
‘Yung mga nakwento ko sa itaas, iilan lang iyan samga naging karanasan ko, marami pa ‘yan kaso hahaba na ‘to ng sobra. Kung sa wika pa nga lang natin eh nahihiya tayong gamitin at tila nagiging banyaga paito sa atin, ano na lang mangyayari sa atin hindi ba? Mahalin mo nga raw ang sariling iyo eh. Oo na, sige na masyado na tayong naimpluwensiyahan ng mgataga-Kanluran kaya nga kailangan natin balikan at baguhin ang mga iyon eh.Tandaan natin may halaga ang pagtawag natin ng Inang Bayan sa Pilipinas atpagiging Pilipino natin. Naalala ko noong hayskul ako nasabi sa amin ng aming guro na kung dati rati kung sino man ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang malansa at mabahong isda pero sa ngayon kung sino pa 'yung hindi nagmamahal sa sariling wika eh 'yun pa 'yung umaasenso at hindi nagmumukhang ignorante. Sa mga susunod na henerasyon, panigurado, itatanong nila kung “ano ang tunay na Pilipino?” Kaya upang makapagbigay nang kasagutang maipagmamalaki natin, may hamon sa atin na tanggapin at tangkilikin ‘yun tunay na atin.
“Pilipino ako, sapat ng dahilan ‘yan para mahalin ko ang Pilipinas”
-(Bob Ong)
Mga Sanggunian:
Biressi, A., & Nunn, H. (2004). Chapter 1,“Reality Debates”. In Reality TV: Realism and revelation. London:Wallflower Press.
Contreras, A. P. (2010). Building Communities andSimulating the Nation: Politics of Engaging the ‘Other” in the First Season ofSurvivor Philippines. Philippine Political Science Journal, 21(54),1-30.'
Contreras, A. (2013). CULPOLI: Lecture Note.[PowerPoint Slides]. Retrieved from https://docs.google.com/file/d/0B1SygfYrMeNjYWRicGR5ZkdESGc/edit?usp=sharing
Contreras, A. P. (2008). Female Warriors in GMA TVFantasy Programs vis-à-vis the Fantasy Wars of GMA the President: Reflectionson Simulated Women Engaged in Simulated Violence. Ideya, 9(2).
Contreras, A. (2011). POLTHEO LectureNote: Identity Politics.[PowerPoint Slides]
Hedges, W. (1997). Using Deconstruction to astonishyour friends and confound your enemies. In Two Easy steps.
Ruddick, A. (2001). Introduction, “Science Wars andCultural Studies and Chapter 5, “Cultural Studies and Audience Research”. In UnderstandingAudiences: Theory and Method. London: Sage Publications.
Ward, G. (2009). Chapter 5, “The Deconstruction ofMeaning”. In Postmodernism.
(n.d.).Retrieved 25 February 2013 from http://tatakblogong.files.wordpress.com/2010/02/tumblr_kwbi0oqwwo1qa7bd3o1_500.jpg
(n.d.).Retrieved 25 February 2013 from http://fc02.deviantart.net/fs70/f/2011/133/a/8/a_splash_of_filipino_by_j2ns-d3g88g7.jpg